Kasal ni Roxanne Guinoo, inisnab ng kanyang showbiz friends?!

ADVERTISING

Kasal ni Roxanne Guinoo, inisnab ng kanyang showbiz friends?!HOW TRUE ANG balitang narinig namin na hindi raw sinipot ang kasal ni Roxanne ng kanyang mga showbiz friends noong nakaraang Linggo sa NBC Tent The Fort, lalo na ang mga abay at mga ninong at ninang. Hindi man lang daw nagpasabi ang mga ito na hindi makapupunta sa importanteng event ng kanyang buhay.

Heart Evangelista at Raymond Gutierrez, nagkaayos na!

ADVERTISING

Sa birthday celebration nga ni Raymond sa isang noontime show, tuluyang natuldukan ang hidwaan sa pagitan nina Heart at Raymond. Nagkasalubong sa hallway ang dalawa at biglang nag-beso-beso. Hindi na idinetalye ng magandang dalaga ang insidente ng kanilang pagbabati.

Ayon kay Heart, “I don’t wanna talk about it, kasi ayoko namang magyabang o whatever. Ang sa akin lang, masaya ako. It’s always important to be surrounded by good people para alam mo kung ano ang dapat mong gawin.”

Ayon naman kay Raymond, “Birthday ko ayoko ng negative. Nasabi na ang gusto kong sabihin. Okay na ako ngayon. Nagkita kami ni Heart. Nag-beso kami, okay naman .Yes nagbatian kami. Medyo outburst of emotions lang for both of us two weeks ago, but everythings okay na.”

ADVERTISING

Sa wakas natapos na ang dalawang linggong pasaring nila sa isa’t isa. May bago na namang kontrobersiyang kinasangkutan si Heart at ang boyfriend nitong si Daniel Matsunaga. May kumakalat kasi na video na galing sa isang CCTV. Nakikipaghalikan sa elevator ang guwapong Brazilian sa isang babae, pero hindi raw si Heart iyon. Sa kanyang Twitter account, naka-post ang “don’t worry guys….if you saw it.. somethings cooking.

Hayden Kho at Vicki Belo, kasal na nga ba?

Kumalat nga ang tsismis na kasal na itong sina Hayden Kho at Vicki Belo. Sa launch ng isang bagong magazine, itinanong namin ang tungkol sa balitang ito. Sinabi ni Hayden na wala itong katotohanan na nagpakasal na silang dalawa. “Maybe in time,” sabi nito.

Okay na rin daw sila ni Cristalle Henares, anak ni Vicki, nagti-tweet na raw sila.

Sa parehong event, muntik nang mag-krus ang landas nina Hayden at Sen. Bong Revilla. ‘Di raw alam ng binata na nandu’n si Sen. Bong. Wala rin naman daw siyang sama ng loob sa senador.

Parazzismiz
By Maica Tidila

ADVERTISING