Kasabay ng anger management
Maricel Soriano, dapat nang kumunsulta sa psychiatrist

ADVERTISING

<i>Kasabay ng anger management</i><br>Maricel Soriano, dapat nang kumunsulta sa psychiatrist

<i>Kasabay ng anger management</i><br>Maricel Soriano, dapat nang kumunsulta sa psychiatristME PAUUSUHIN na namang linya ang bagong teleserye ni Coco Martin. Kung hindi kami nagkakamali, eto ‘yung laging ipinapakita sa trailer ng Juan Dela Cruz. ‘Yung “’Yun, o!” Na I’m sure, ultimo mga bata, gagamitin ito sa mga kaibigan nila! I’m sure, maraming bata ang manonood nito, dahil after TV Patrol ang airing nito. Kaya asahan na ang paglaganap ng, “’Yun, o!”

‘Wag lang talagang maba-blind item si Coco, dahil baka ‘yung pinauso niyang linya ang gawing clue. Hahahaha!

 

KAMI AY naniniwalang kung kukunsulta si Maricel Soriano sa isang psychiatrist ay ma-daling mareresolba ang kanyang depression o kung anuman ang kanyang attitude problem. Tama rin ang suggestion na sumailalim siya dapat sa anger management.

ADVERTISING

Lalo na’t andami niyang pinagdadaanan sa ngayon.

Sobrang nanghihinayang lang kami nga-yon, dahil bonggang comeback na nga ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin nila ni Gerald Anderson, naudlot pa, dahil nga sa ipinamalas na attitude ng Diamond Star.

Nakalulungkot lang na ginagawa pang dahilan ng tagapagsalita ni Inang Marya na labis na dinamdam ng aktres ang pagyao ng mommy nito. Antagal na nito. July, 2009 pa. Nananahimik na si Mommy Linda, ‘wag na sanang gawing excuse ‘yon.

 

SA FEBRUARY 17 ay 19th birthday sana ng namayapang AJ Perez. At unti-unti ay naka-recover na ang pamilya ng young actor. Kuwento ni Daddy Gerry, nu’ng araw, every Sunday sila nandu’n sa puntod ni AJ, pero ngayon, mga twice a month na lang.

“Para rin maka-move on na kami. Alam ko naman, ‘yun din ang gusto ni AJ, maka-move on kami. Kaya kung makakaya naming mag-absent sa pagdalaw, ginagawa namin.”

Nalokah nga kami, dahil nu’ng minsang magawi kami sa kahabaan ng White Plains, Quezon City ay nakita naming parang giba na ang bahay nila.

“Ay, we opted to transfer na lang, Ogs,” sey ni Daddy. “Kasi, naaalala namin lagi si AJ, eh. Kaya ibinenta namin ‘yung house tapos kumuha na lang kami ng bago. Para panibagong buhay.

“Actually, ‘pag ‘yung kapatid ni AJ, si Gelo, ‘pag napapalingon ako, akala ko talaga si AJ, eh. Saka nagkakamali rin ako ng tawag ke Gelo. Natatawag kong AJ!”

Naging lalong solid pa ang pamilya Perez nu’ng pumanaw si AJ. Lagi silang nakikita namin sa Greenhills at ito ngang birthday ni AJ ay isang misa ang magaganap sa La Salle High School at 10 a.m. at welcome ang mga nagmamahal kay AJ. Hay, nakaka-miss si AJ, sobra.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING