Karylle at Yael Yuzon, ‘di pa priority ang baby

ADVERTISING

Karylle at Yael Yuzon, ‘di pa priority ang baby

Karylle-Yael-YuzonNASA PERIOD of adjustment si Karylle sa kanyang married life. Maraming pagbabago ngayon sa kanyang buhay. Pero wala itong regrets nang pakasalan niya si Yael Yuzon (ng Sponge Cola). More than 3 years silang mag-sweetheart bago nagpakasal. Sa takbo ng kanilang pagsasama as husband and wife, may mga bago silang nadi-discover sa isa’t isa.

Ini-enjoy nina Karylle at Yael ang pagiging couple. Wala pa silang plano magkaanak. Hindi nila priority sa ngayon ang magka-baby. Nag-adjust pa sila sa isa’t isa, marami pang dapat i-consider. Kung magkaka-baby raw sila, it’s Gods will. Buong puso nilang tatanggapin kung sakaling mabuntis agad ang singer/actress.

Sinabi ni Karylle, ready na siyang maging mommy if ever magkaanak agad sila ni Yael. Kailangang paghandaan dahil ‘yun naman daw ang mangyayari. Lilipat  na sila sa bago nilang bahay, kaya’t kailangan daw paghandaan ang pagiging housewife and a mom. Hindi nila napag-usapan ni Yael kung ilan ang gusto nilang maging anak. Kung ilan daw ang ipagkaloob sa kanila ni Lord, buong puso nila itong tatanggapin.

Binanggit ni Karylle na she’s so lucky at si Yael ang naging asawa niya. Marami ang nagsasabi na bagay silang dalawa as couple. Palaging positive comment ang madalas na sinasabi sa kanya about her husband. Ilang beses na palang dumaan sa pagsubok si Yael, pasado ito with flying colors. Paulit-ulit ding tinanong ni Karylle si Yael kung sigurado itong pakasalan siya. Palaging sagot ng vocalist band, yes na yes, determinadong maging misis niya si Karylle.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING