Karylle, tinapos na ang issue sa kanila ni Marian Rivera

ADVERTISING

Karylle, tinapos na ang issue sa kanila ni Marian Rivera

Karylle, tinapos na ang issue sa kanila ni Marian RiveraSA NAKARAANG launching ni Karylle bilang bagong endorser ng Unisilver Time, agad na tinanong si Karylle kung ‘di ba siya napipikon minsan sa mga biruan sa It’s Showtime partikular na ang mga biro sa kanya ni Vice Ganda na nalagay sa hot seat kamakailan dahil sa isyu ng below the belt na pagbibiro raw nito sa respetadong broadcaster na si Jessica Soho sa nakaraang concert ng komedyante sa Araneta.

ADVERTISING

Ayon kay Karylle, nakasanayan na rin niya ito kahit may mga pagkakataon na minsan pakiramdam niya ay gusto niyang magtago sa hiya. Mabuti na lamang ay okay na siya sa kanyang sarili at buo na ang kumpiyansa niya.

Sa isyu naman kay Jessica Soho kahit tapos na ito, iwas magbigay ng komento si Karylle lalo’t sensitibo ang isyu at ang ginagawa na lang niya ay ipinapakita niya kay Vice na buo ang suporta at pagmamahal niya rito.

Tinanong din namin ang lumabas na balita na nagkita at nagkabatian sila ni Marian Rivera nang magkita sa isang event. Ikinuwento ni Karylle na nangyari ito sa anniversary ni Kuya Germs, late siyang dumating at nu’ng naghahanap siya ng kaibigan ay nagtagpo ang mga mata nila ni Marian, dahil nakatingin ito sa kanya at du’n sila nagbatian.

ADVERTISING

Para kay Karylle ay proper timing ang nangyari at mas mabuting matapos na ang lahat ng issues sa nangyari.

Karylle, tinapos na ang issue sa kanila ni Marian RiveraHindi lang endorser ng Unisilver Time si Karylle kungdi magbibigay din siya ng mga ide-design na mga relo. Nawala man ang hilig dito ay unti-unti siya muling naging intersado dahil sa mga kasamahang lalaking co-hosts sa It’s Showtime tulad nina Kuya Kim, excited sa bagong proyektong gagawin niya si karylle sa Unisilver kung saan gagana lalo ang kanyang creative side.

 

NAGING TAMPULAN ng tukso sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga sa presscon ng Four Sisters and a Wedding na ipalalabas sa darating na June 26 nang magbitiw ng salita si Bea na kinukuha niya si Toni na kumanta ‘pag nagpakasal na siya.

Sa interview namin kay Bea, agad na tinanong kung may balak na ba silang pakasal ng boyfriend na si Zanjoe Marudo kaya may mga ganito na siyang plano?

Nagpaliwanag naman si Bea na wala pa silang ganitong plano ng boyfriend at ito ay usapan lang nilang tatlo nina Toni at Angel Locsin dahil nga maayos ang tinatakbo ng mga relasyon nila sa kani-kaniyang mga boyfriend.

Proud at masaya sa magandang itinatakbo ng career ng Zanjoe kung saan kumita ang pelikula nitong Bromance at mataas ang ratings ng Annaliza, nang tanungin kung gusto ba niyang makasama sa isang trabaho ang boyfriend, depende sa project ang sagot sa amin ni Bea. Pero mas maganda na hindi na lang dahil mas gusto nilang hiwalay ang personal nilang buhay sa kanilang trabaho.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING