Karylle, ikinumpara si Dingdong Dantes sa ‘tamilok’!

ADVERTISING

Karylle, ikinumpara si Dingdong Dantes sa ‘tamilok’!

Karylle, ikinumpara si Dingdong Dantes sa ‘tamilok’!BENTANG-BENTA NGAYON ANG anak ng Divine Diva na si Karylle sa Singapore at sa iba’t ibang parte ng Asya at Europa dahil sa The Kitchen Musical, kung saan siya ang bida. Kung ang inaakala ng iba ay wala nang iaangat ang karera ng aktres dahil medyo tumatanda na ito, nagkakamali ang kanyang mga kritiko.

Sa isang panayam ni Boy Abunda sa kanya para sa Bandila, ikinumpara niya ang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes sa isang ‘tamilok’. Ito ay isang quirky food na sikat sa Palawan. Ito ay isang woodworm o mollusk na natatagpuan sa loob ng nabubulok na mangroves.

Hmmm… mukhang isa itong senyales na hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawang pag-iwan sa kanya ng aktor para tuluyang maging dyowa ang present girlfriend niya na si Marian Rivera. Meynteyn!

 

ADVERTISING

GEORGINA WILSON, PASOK SA AMERICA’S NEXT TOP MODEL!

 

RAMDAM ANG EXCITEMENT ng Filipina-British supermodel na si Georgina Wilson nang ibahagi niya sa kanyang Twitter followers ang pagkakasali niya sa America’s Next Top Model Cycle 17. ‘Eto ang kanyang tweet (@iloveGEORGINA): “SO EXCITED to announce something that I‘ve been keeping for so long now! I will be in this season of AMERICA‘S NEXT TOP MODEL!!!! season 17! No, I didn‘t join as one of the models—I joined as a guest model/stylist. I told the girls what to do for their semifinals challenge!”.

Kahit hindi ito opisyal na kalahok sa all-star edition ng programa ni Tyra Banks, isa pa rin itong magandang exposure para sa dalaga. Sa sobrang pagkatuwa ng mga Pinoy ay nag-trend ito sa Twitter. Mapapanood na ang nasabing guesting ni Georgina sa November 14. Go girl!

 

JASMINE CURTIS-SMITH, PINALITAN SI NADINE SAMONTE!

 

MATATAPOS NA ANG programang ‘Ang Utol Kong Hoodlum’ nina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith. Kahit sa Australia talaga naka-base ang dalaga, determinado ang TV5 na pasikatin ito tulad ng kanyang Ate Anne. Sa katunayan nga, may follow-up project na ito sa Kapatid Network.

Si Jasmine ang napili para sa remake ng dating afternoon fantasy series ng GMA-7 na Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa. Ito ay pinagbidahan noon ni Nadine Samonte kasama si Oyo Sotto.

Wala namang dapat na ikainggit o ikagalit si Nadine dito dahil pasok siya sa madramang remake ng Valiente, na ipalalabas na sa Enero 2012.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING