Karla Estrada, tinutulungan ang anak na si Daniel Padilla na itaguyod ang pamilya

Karla Estrada, tinutulungan ang anak na si Daniel Padilla na itaguyod ang pamilya

Daniel-Padilla-Karla-EstradaMULI NA namang sasabak sa isang contest si Karla Estrada. Pagkatapos niyang mag-audition sa The Voice of the Philippines, celebrity contestant naman siya sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Ayon kay Karla, gusto niyang tulungan sa pagkita ng pera ang anak na si Daniel Padilla kaya siya sumali sa contest.

“Kasi, ‘di ba, parang apat na taon na siyang nagtatrabaho? Meron akong pakonti-konti, pero siyempre, masarap pa ring pakinggan na hindi lang siya ‘yung breadwinner, na kaming mag-ina magtutulungan. Kaya nu’ng in-explain ko sa kanya, kasi ayaw niya talaga, umokey naman siya,” pahayag ni Karla.

Kung siya ay allowed magtrabaho, hindi naman pinayagan ni Daniel ang bunsong kapatid na si Carmella who is now 9 years old sa alok dito na mag-showbiz at maging part ng isang TV show.

“Sabi niya, huwag daw. Ayaw niya kasi na parang ginagawang package deal ‘yung pag-aartista namin. Sabi ko, ‘anak hindi naman ganu’n ‘yon,’ pero ang katwiran niya, pag-aralin ko daw dapat ang mga babae at pagtapusin muna ng pag-aaral… so sabi ko ‘okey’. Hindi kasi ‘yon sinabi ng nanay ko sa akin dati, eh,” pahayag ulit ni Karla.

Wow, ang bait namang kuya at anak ni Daniel. Ang suwerte-suwerte talaga ni Karla at ng mga kapatid niya sa binatang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo.

La Boka
by Leo Bukas