Karla Estrada tinawag na ‘future daughter-in-law’ si Kathryn Bernardo

HINDI NA mahihirapan si Daniel Padilla na kumbinsihin ang inang si Karla Estrada kung sakaling maisipan nitong magpropose at pakasalan ang kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil botong-boto ito sa dalaga. Sa katunayan, tinawag na niyang ‘future daughter-in-law’ si Kathryn sa recent interview ni Toni Gonzaga sa kanya.

“Oo naman kasi napakaswerte na ng anak ko kay Kathryn na very responsible” sambit niya.

Karla Estrada tinawag na ‘future daughter-in-law’ si Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

“Ang maganda kasi sa kanila, nag-mature sila sa loob ng relationship, nag-grow. Ang hirap noon ha. Marami ding pagsubok iyan. Pero okay na rin kasi kung naging perfect iyan, kung may dumating na hindi maganda, baka hindi ma-handle.” dagdag pa ni Momshie Karla.

Kung inyong matatandaan, nabanggit ni Daniel Padilla sa isang interbyu last year na ang wish niya ay mapakasalan na si Kathryn in the next five years.

“My dream wedding would be a beach wedding… Ang nakikita ko talaga after three or four years, basta before ako mag-30, iyon ang gusto ko.”

“Ayoko masyado patagalin na umabot na sa range ng 30’s kasi ‘pag tumapak na sa 30, ang bilis na naman, eh. Sana before 30, maging swabe na ang lahat at matuloy ang kasal”.

Para naman kay Kathryn, sang-ayon din siya. “Before 30? Yeah, iyon naman talaga ‘yung deal namin. May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, iyon naman talaga ang plan. Of course, I agree.

Halos isang dekada na rin magkarelasyon sina Kathryn at Daniel. Siguradong gamay na gamay na nila ang isa’t isa kaya hindi na sila mahihirapan kung sakaling tototohanin na nila ang pagbabahay-bahayan.