Karla Estrada on leaving ‘Magandang Buhay’: Mabigat na desisyon!

TULUYAN nang umalis ang actress/host na si Karla Estrada sa morning show na ‘Magandang Buhay‘, kung saan isa siya sa mga original hosts at nanatili sa mahigit limang taon.

Nagpost si Karla ng kanyang sentimyento sa kanyang pag-alis sa programa isang araw bago i-air ang kanyang farewell episode.

Karla Estrada on leaving 'Magandang Buhay': Mabigat na desisyon!
Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros

“Cheers sa bagong journey ni Momshie Karla Estrada!” nakasulat sa teaser poster. Kasama sa guesting na itinape noong Hunyo ang dalawang anak na sina Magui at Carmella.

“Bukas na! Sabay sabay nating panoorin ang aking huling araw sa 2nd home ko ng higit limang taon! I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon.. Pero mas naging matimbang ang pag unawa ng isat isa.”

“Mamimiss ko ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalam! Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng Kurso sa college kaya mahihiwaylay ako ng lugar, Oras at panahon. Ngunit ang pag ka kaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan,” aniya.

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pakikipagkaibigan,” dagdag pa niya.

Magpo-focus na diumano si Karla sa kanyang bagong responsibilidad bilang 3rd representative ng TINGOG party-list.

Hindi naman kinaluimutan ni Karla ang ABS-CBN, na nagbigay sa kanya ng second chance sa showbiz.

“Maraming Salamat ABS-CBN Sa aking mg boss na itinuring na mga kaibigan, Maraming Salamat Po sa pagmamahal, pag tiwala at pagkakataon. Hangang sa Muli.

“At sa lahat ng bumubuo ng magandang buhay, maraming salamat sa aral na nagpatibay ng pagkatao natin. Mahal ko kayo ! Dasal ko para sa ating lahat ang katahimikan ng puso at malayang pag lalakbay tungo sa… magandang buhay.”

Sa ngayon ay wala pang final replacement si Karla sa programa, pero naging special guest co-hosts na sina Regine Velasquez sa loob ng limang buwan at kasalukuyang napapanood si Judy Ann Santos na maganda rin ang chemistry with the momshies.

Goodluck sa bagong kabanata ng iyong buhay, Momshie Karla!

Previous articleLuis Manzano, umamin na muntik nang iwanan ang showbiz
Next articleMaja Salvador emosyonal na binalikan ang pag-umpisa sa ‘Eat Bulaga’