Karla Estrada, nagiging OA na raw sa pagtatanggol sa KathNiel

ADVERTISING

Karla Estrada, nagiging OA na raw sa pagtatanggol sa KathNiel

Karla Estrada, nagiging OA na raw sa pagtatanggol sa KathNiel Maraming kumokontra sa sobrang pagiging makuwento ni Karla Estrada tungkol sa love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, samantalang karapatan naman niya talaga iyon bilang mommy ng sikat na young actor. Hindi pa man isinisilang si Daniel sa mundo, panahon pa lang ng “That’s Entertaiment”, kung saan nagsimula si Karla Estrada ay paborito na talaga siya ng press dahil sa kanyang pagiging super tsikadora. Kaya hindi talaga siya maaawat magkuwento.

Hindi naman OA ang nangyayari ngayon kay Karla, dahil wala pa sa showbiz si Daniel ay proud na talaga siya bilang mommy, dahil napakabait ng kanyang anak. Kinabahan din noon si Karla kung sakali ba’t mangyari na sumikat nang todo ang kanyang anak ay mapagbabago ba ng tagumpay? Napaiyak nga si Karla, dahil nang sumikat ang kanyang anak at siya na ang bread winner ng kanilang pamilya ay hindi umasta ang guwapong young actor na nakatutulong na siya sa kanilang pamilya.

Napakataas pa rin ang respeto ni Daniel sa kanyang mommy. Kahit puwede na siyang bumukod ng tirahan dahil kumikita na siya, ay hindi niya ginawa. Hindi nga makapaniwala si Karla na ang unang sorpresa mula sa kasikatan ng ka-loveteam ni Kathryn para sa kanya bilang mommy, ay ang ipagpagawa siya ng sarili nilang bahay. Hindi katulad dati na walang katapusan silang nangungupahan lang. Malaki ang pasasalamat ni Karla na nakabawi siya sa buhay dahil sa pagsikat ni Daniel, kaya ganyan talaga ang kanyang pagpapahalaga sa kasikatan ng tambalang KathNiel.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING