Karla Estrada, nag-react sa viral photos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Boracay

ADVERTISING

 alt=

Nag-react si Karla Estrada sa mga litrato ng anak niyang si Daniel Padilla at ni Kathryn Bernardo na viral ngayon sa social media. Kuha ang mga litrato sa Boracay nitong weekend, kung saan makikitang naka-one-piece swimsuit si Kathryn.

ADVERTISING

Kapansin-pansin sa mga photo ang pagiging sobrang sweet sa isa’t isa nina Kathryn at Daniel. Na-video-han pa ang dalawa na habang naglalakad sa beach, makikitang nakayakap o nakayapos si Kathryn kay Daniel, o ‘di kaya’y nakakapit, at nagho-holding hands pa.

Ibinahagi sa Instagram ng @kathnieloverdose ang photograb ng nasabing video, at kilig na kilig sila sa tinawag nilang “mag-asawa” na “sexy” at “hot”.

ADVERTISING

Sa video post sa Instagram account na @abscbnpr, hiningan ng reaksiyon si Karla sa set visit ng season 3 ng “Funny Ka, Pare Ko” kaugnay ng mga nasabing litrato.

Ani Karla, masaya siyang makitang naka-swimsuit si Kathryn. Sinabi pa niyang kasama raw ng dalawa ang mga kapatid ni Daniel, at kailangan daw nina Kathryn at Daniel ang maikling bakasyon na iyon.

Sa ibinahagi namang KathNiel photo ni Karla sa kanyang Instagram account, sinabihan niya ang dalawa na mag-enjoy lang sa kanilang bakasyon. Dahil simula raw next week, buong taon na naman ang trabaho nina Kathryn at Daniel.

Nakatakdang gawin nina Kathryn at Daniel ang bago nilang teleseryeng “La Luna Sangre” sa ABS-CBN.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING