Karla Estrada, malaki na raw ang ipinagbago ng ugali

ADVERTISING

Karla Estrada, malaki na raw ang ipinagbago ng ugali

Karla-EstradaVERY CLOSE na magkaibigan na ngang matatawag sina Karla Estrada at Kris Aquino. Kumbaga, nandun ang tulungan sa isa’t isa. Sa true lang naging close ang dalawa nang nagsisimula pa lamang si Daniel Padilla.

Angat na angat na ang career ni Daniel ay sinusuklian naman na ito ni Karla. Kamakailan nga lang ay nagpa-block screening itong si Karla sa Podium. Suporta niya ‘yon sa movie na Etiquette For Mistresses ng Star Cinema.

Nabanggit nga ni Karla na may movie na gagawin at isi-showing early next year ang KathNiel. May teleserye na rin na naka-line-up.

Sa true lang, sa showbiz masasabi ng marami na you cannot please everybody. Maging siya ay biktima na rin ng mga intriga. At dahil nga sikat si Daniel.

ADVERTISING

Nagpatuloy si Karla dahil nga nauna naman siyang ag-artista. Kaya naman kung may intriga sa kanya ay kaya na niya itong dalhin nang buong-buo.

Hindi siya nakaiwas sa puna ng mga ilang press na kesyo nagbago na siya.

“Ang sa akin lang, alam ko ang takbo ng showbiz. Alam ko na wala akong nagawang mali. Kilala mo ako, sa meron at sa wala,” sey niya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING