Karla Estrada, ibinilin ang anak na si Daniel Padilla sa matalik na kaibigan

Karla Estrada, ibinilin ang anak na si Daniel Padilla sa matalik na kaibigan

Daniel-Padilla-Karla-EstradaWALA ANG ina ni Daniel Padilla na si Karla sa ginanap na premiere night ng Crazy Beautiful You na pinagbibidahan ng pinakamainit na loveteam ngayon na sina Daniel at Kathryn Bernardo.

Nakarating sa amin na ibinilin na daw ni Karla ang anak na si Daniel sa matalik na kaibigan na si Tates Gana, ang live-in partner ni Q.C. Mayor Herbert Bautista kaya ito ang tumayong guardian ng sikat na teen idol ngayon.

Ayon na rin mismo kay Daniel, nasa Europe daw ang kanyang kasama ng mga kaibigan para asikasuhin ang pinasukang negosyo.

Kahit wala si Karla sa premiere night, siniguro naman nito na may magbabantay at mangangalaga sa anak habang wala siya sa ‘Pinas.

Anyway, sumipot naman ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla sa ginanap na premiere night ng movie na idinirek ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema.

We heard na super blockbuster ang opening salvo ng Daniel at Kathryn movie nang ilabas ito last Wednesday. Patunay lang na wala pa rin papantay sa tambalang Daniel at Kathryn na pilit ginagaya ng ibang love team.

awan namin. Salamat din kay Sharon Cuneta na taun-taon ay hindi nakalilimot magpadala ng Valentine gift.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo