Karl Aquino gustong matulad ang kapalaran kay Alden Richards

ADVERTISING

Karl Aquino gustong matulad ang kapalaran kay Alden Richards

Karl Aquino gustong matulad ang kapalaran kay Alden Richards
Karl Aquino

TAPOS NA ang season 7 ng Starstruck ng GMA at naideklara na kung sino ang ultimate female and male survivor. Yong ibang mga naging finalist ng artista search o tinatawag na Starstruck Avengers ay nagsipagpirmahan na rin ng kontrata sa GMA Artist Center.

ADVERTISING

Isa nga nga rito ay si Karl Aquino na member ng all-male group na Clique V. Ngayon ay kino-comanage na si Karl ni Len Carillo (3:16 Events and Talent Management) wih GMA Artist Center.

Ayon kay Karl, naniniwala siya na may magandang mangyayari sa kanyang showbiz career ngayong meron nang network na mag-aalaga sa kanya. Hindi man daw siya nanalo sa Starstruck at una sa mga natanggal pero hindi naman daw don ang basehan ng pagsikat.

“Ang Starstruck po ang nagbukas sa amin ng pinto sa showbiz pero kami pa rin po ang gagawa ng paraan kung paano kami mapapansin o sisikat. Big example ko po diyan si Alden Richards na hindi naman naging Starstruck Avenger pero sumikat nang husto at nagkaroon ng maraming projects,” obserbasyon ni Karl.

ADVERTISING

Kunsabagay, tama ang binata. Hindi porke’t nanalo ka sa contest ay sure na  ang iyong stardom. Minsan nga, mas sumisikat pa yung iba na naging finalists lang.

Dagdag pa ni Karl, “Naniniwala din po ako na kapag para talaga sa iyo ang isang bagay, mangyayari yon. Hindi natin mapipigilan ang destiny, kasi eversince, nung ipinanganak ka pa lang nakasulat na yon sa iyong palad.”

Samantala, malaking advantage ni Karl kumpara sa ilang Starstruck Avengers ay ang galing niya sa pagsasayaw. He was even tagged bilang “hot cutie dancer” ng mga kasamahan niya sa Starstruck.

 
 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING