Karen Reyes, hanggang pa laway lang

Karen-ReyesIPINAGMALAKI NI Karen Reyes, isa sa miyembbro ng Star Magic Angels, na kahit nagka-boyfriend na siya noon ay nananatili pa rin siyang virgin hangang ngayon.

“Sa lips po, hindi na ako virgin, pero dito sa baba ko, oo naman, virgin pa ako ro’n, virgin pa ako sa totoong buhay,” diretsa niyang pag-amin.

May dahilan daw kung bakit para kay Karen ay importanteng manatii munang virgin.

“Kasi ‘yung isang kapatid ko nabuntis nang hindi tama. Sixteen years old pa lang siya, buntis na siya. So, kinausap ako ng nanay ko, first time kong nakitang umiyak ‘yung nanay ko at sobrang awang-awa ako sa kanya.

“Sabi niya, ‘pag daw may nangyari sa akin, o nabuntis ako sa hindi pa sa tamang panahon, magpapakamatay raw siya. Hindi raw niya kakayanin kung ako ay mabubuntis agad. Do’n ko nakita ‘yung nanay ko na parang… ‘O sige, ma, hindi kita idi-disappoint, so ‘yon,” rebelasyon ni Karen sa amin.

Kaya kahit pa raw magkaroon siya ng boyfriend, magiging maingat pa rin siya. “Kiss-kiss siguro, okey lang. Necking-necking, ganu’n. Pero ‘pag ano na, ops, okey, lalayo ako. At saka ano, ‘yung patakam lang, palaway lang. Hahaha,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleRichard Gomez, muling dinala si Lucy Torres, kasama ang anak na si Julianna Gomez, sa lugar ng kanilang honeymoon sa Switzerland
Next articleJackie Forster, suko na sa paghingi ng tawad sa dalawang anak

No posts to display