Karay-karay pa ang isang kaanak
Sikat na female showbiz personality, ‘di natinag sa lakas ng ulan sa paghihintay, pero ‘di pa rin hinarap ng kontrobersyal na pulitiko

ADVERTISING

MAY OPISYAL kayang pakay ang isang sikat na female showbiz personality na ito sa isang kontrobersiyal na pigura sa ating pulitika? May inuurot nga ba siyang puwesto?

Isang source kasi ang nakasabay ng personalidad na ‘yon, tila nahihirapan itong maka-meeting ang pigura. Inabutan na nga raw ng malakas na ulan ang personalidad, pero hindi natinag sa labas, kung saan siya pinaghintay ng mga tauhan ng pigura.

And wait, bakit karay-karay ng personalidad na ‘yon ang isang kaanak? Nagtatanong lang.

 

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING
ADVERTISING