Kara Mitzki, marunong mag-handle ng indecent proposals

ADVERTISING

Kara Mitzki, marunong mag-handle ng indecent proposals

AMINADO ang sexy talent ng Viva Artist Agency (VAA) na si Kara Mitzki, na kino-co-manage din ni Annabelle Rama, na minsan ay mababa talaga ang tingin ng audience sa kanilang mga sexy star. Madalas daw niya itong ma-experience kapag nagpe-perform siya bilang singer sa mga bar kasama ng kanyang banda.

Kara Mitzki, marunong mag-handle ng indecent proposals
Kara Mitzki

“‘Yon nga, eh, gusto kong sabihin sa kababaihan na puwede naman kayong maging sexy na nakapagse-set pa rin kayo ng good example. Ayoko kasi ‘yung ano, eh, ‘yung parang walang class. Dapat class pa rin.

“Opo. Na-experience ko na yung ganu’n. At ‘yon nga, nahihirapan kami at ang family ko, tsaka mga friends ko, kasi sinasabi na, ‘Ay, ‘di ba ganito ‘yan, nagpo-pose na as calendar girl?’ Ganyan-ganyan… so parang ang tingin nila sa akin is… dyina-judge na agad nila. Pero ipinagtatanggol naman ako ng family ko at friends ko.

“Ako, kilala ko naman ang sarili ko, eh. So, ‘yon nga, sana makita nila ‘yong worth ko, na hindi porke’t nagpapaseksi, eh, ganu’n (pokpok) na,” paliwanag ni Kara.

ADVERTISING

Inamin din ni Kara na ilang beses na siyang nakatanggap ng indecent proposals at kung anu-ano ang ino-offer sa kanya.

Aniya, “Marami na po akong na-encounter na ganyan, kasi nga nagbabanda ako, eh. Na-handle ko naman po siya nang maayos. Siyempre, ano lang ako, friends lang. Lahat na lang po in-offer na nila sa akin – bahay, kotse, condo, townhouse, mga mamahaling relo, bags… ganyan.

Dagdag pa ni Kara, “Wala naman akong isyu sa age, basta sa akin kung gusto ko ‘yung tao, okey lang naman. Pero huwag naman ‘yung mas matanda pa sa parents ko (55 years old). Hahaha!”

Samantala, on April 8 (Saturday, 9 p.m.), may back-to-back concert si Kara with Michael Pangilinan sa Music Museum titled “56K With Kara and Khel” na produced ng Frontdesk Entertainment.

Guests sa show sina Hashtag Nikko, Kiel Alo, Ezekiel, Duncan Ramos, at Vice Ganda.

ADVERTISING