Kapuso teen star Sofia Pablo bida sa ‘Raya Sirena’ ng Regal Studio Presents

MAGSISILBING comeback ng Kapuso teen actress na si Sofia Pablo ang Regal Studio Presents: Raya Sirena, na mapapanood ngayong gabi, 8:30PM sa GMA-7.

Kung ikaw ay isang certified Kapuso, pamilyar ka sa kinahinatnan ng kuwento ng top-rating afternoon series na Prima Donnas. Ongoing pa ang kuwento ng serye nang ma-implement ang unang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa.

Kapuso teen star Sofia Pablo bida sa 'Raya Sirena' ng Regal Studio Presents
Sofia Pablo

Dahil dito, hindi na siya nakasali sa remaining episodes ng Book 1 ng serye dahil hindi pinayagan ang mga artista below 14 and below na makapag-taping. Kasado naman na raw ang Book 2 ng Prima Donnas kaya no need to worry!

Ngayon na siya ay fifteen years old na, napili siya na magbida sa second offering ng Regal Studio Presents. Ang bongga nga ng comeback ng teen actress dahil isang fantasy-themed episode ang ipinagkatiwala sa kanya.

Matagal-tagal na rin tayong walang napapanood na mermaid-themed shows kaya naman talagang tinodo ng mga bagets na fans ni Sofia ang paggawa ng mga ‘Raya Sirena’ fanarts nila. Kaaliw tingnan!

Ang Raya Sirena ay mula sa direksyon ni Easy Ferrer. Kasama rin dito ang teen actors na sina Allen Ansay at Bruce Roeland, na parehong nakatrabaho ni Sofia sa Prima Donnas. Kapansin-pansin din ang paglaki at pagbibinata ng mga ito na halatang inalagaan ang mga katawan habang naka-quarantine sa bahay.

Kung sawa na kayo sa iyakan at bet niyo naman ang wholesome family show for the whole family to watch, panoorin na ang ‘Raya Sirena’. Sisid time!