KAPUSO NA: Xian Lum, makakatambal si Jennylyn Mercado sa isang teleserye!

MATAGAL-TAGAL na rin usap-usapan sa showbiz na may homegrown Kapamilya leading man na lilipat sa GMA para gumawa ng isang proyekto kasama ang isang Kapuso prime artist. Akala ng ilan ay si Richard Yap yun na matagal nang kinumpirma na magiging leading man ni Heart Evangelista sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’. ‘Yun pala, may isa pang chinito!

KAPUSO NA: Xian Lum, makakatambal si Jennylyn Mercado sa isang teleserye!
Xian Lim

Noong 2018 pa umalis sa Star Magic si Xian Lim at ngayo’y nasa pangangalaga na siya ng Viva Artists Agency, pero naging visible pa rin ito sa ABS-CBN. Huli itong napanood bilang Kapamilya sa 2020 afternoon drama series na ‘Love Thy Woman’ kung saan kapares niya ang kanyang real-life leading lady na si Kim Chiu with Yam Concepcion.

Masuwerte si Xian Lim dahil kahit na in a way ay hindi na masyadong aktibo ang tambalan nila ni Kim Chiu sa pelikula o digital series, nakagawa pa rin ito ng ilang proyekto kung saan nakasama niya sina Sarah Geronimo (Miss Granny), UnTrue (Cristine Reyes), Louise delos Reyes (Hanggang Kailan?), Alex Gonzaga (Love at First Sight) at Kylie Verzosa (Parang Kayo, Pero Hindi). Nakawala ito sa usual problems ng mga leading men na identified sa iisang babae.

Katatapos lang ng first season ng kanyang TV5 game show na 1,000 Heartbeats.

KAPUSO NA: Xian Lum, makakatambal si Jennylyn Mercado sa isang teleserye!
Xian Lim and Jennylyn Mercado

Sa napipintong pagpasok ni Xian Lim sa bakuran ng Siyete ay nakatakda nitong makasama ang isa sa lovable leading ladies ng bansa na si Jennylyn Mercado. Ayon sa nakalap naming tsika ay gagawin nila ang ‘Love. Die. Repeat’. Sounds like an interesting project, right?

Excited na kami sa fresh team up na ito! Kahit na first time pa lang nila na magkakasama ay sigurado na kaming magiging maganda ang kalalabasan nito lalo na’t gamay na nila ang recipe sa pagpapakilig, pagpapatawa at pagpapaiyak.

Congratulations, Xian Lim!

Previous articleYam Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Next articleThings You Didn’t Know About Jang Ki-Yong