Kapatid ni Nora Aunor, pumanaw na dulot ng organ failure

Kapatid ni Nora Aunor, pumanaw na dulot ng organ failure

Nora-AunorKUWENTO NI Marilyn Villamayor, namatay ang kanyang father na si Oscar Villmayor, nakatatandang kapatid ng Superstar na si Nora Aunor, Huwebes, 3:00 a.m.

Ayon nga kay Marilyn Villamayor, ang kanyang Papa at si Ate Guy ang malapit sa lahat ng limang magkakapatid.

“Ipinaalam na namin kay Auntie (Guy) pero hindi namin siya binigla. Kidney failure, at bumaba na ang blood sugar blood ni Papa. Organ failure kaya bumigay na siya.”

Ipinagunita namin kay Marilyn kung ano ang hindi niya makalimutan na payo ng kanya papa sa kanya.

“Palagi niyang sinasabi na magtiwala ako sa sarili ko. Kapag may ipinapagawa sa akin ay kayanin ko. Siya ang number one supporter ko.

“Nu’ng malakas pa si Papa, siya ang palaging guwardiya ni Auntie Nora. Ayaw niyang nasasaktan ang kapatid niya,” sabi pa ni Marilyn.

“Natutuwa nga siya nang malaman na nagbabalik ako, alam niya na nasa ‘Bridges of Love’ ako,” saad pa niya.

Cremation ang gusto ng father ni Marilyn, ‘yun ang bilin nito bago namatay.

 

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!