Kapatid ni Kathryn Bernardo, inaaway ng Kathniel fans

ADVERTISING

Kapatid ni Kathryn Bernardo, inaaway ng Kathniel fans

Sofia-AndresMULING NAKASAMA ang baguhang teenstar na si Sofia Andres sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa She’s Dating The Gangster na dinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema.

Natural na masayang-masaya ang baguhang teenstar na may karapatang namang maging artista, dahil bukod sa maganda ay matalino pa.

Pero dito sa first major movie niya ay nakaranas pala siya ng bashing sa ilang netizens na nagti-tweet.

“Hindi naman po sila marami, pero one way or another, naapektuhan po ako,” say ng bagong talent ng Star Magic.

ADVERTISING

Sa ginanap na grand presscon ng She’s Dating The Gangster, naitanong kay Sofia kung may moment ba sila ni Daniel sa movie?

Sa first serye kasi ni Sofia sa Princess and I ay lumabas siyang kapatid ni Kathryn Bernardo. At dito nga sa bagong movie nina Daniel at Kathryn, magiging kaagaw niya si Kathryn sa pagmamahal ni Daniel.

“Ang naging dating po kasi sa mga bashers, siguro third party po either ako. Tapos nag-assume po siguro sila na may kissing scene kami ni Daniel,” nakangiting say ni Sofia.

Dahil isang baguhan, nasaktan daw siya sa mga bashers. First time daw siyang nakaranas ng ganoon klaseng pamba-bash. Inisip na lang daw niya na kasama ‘yun sa pagpasok niya sa showbiz.

Kaya ngayon daw ay hindi muna siya nagbubukas ng kanyang Twitter account para maiwasan na masaktan siya muli sa mga masasakit na pinagsasabi sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING