Kapapanalo lang na best actress
Marian Rivera, take 6 sa isang simpleng eksena!

ADVERTISING

<i>Kapapanalo lang na best actress</i><br>Marian Rivera, take 6 sa isang simpleng eksena!<i>Kapapanalo lang na best actress</i><br>Marian Rivera, take 6 sa isang simpleng eksena!ABOUT TWO weeks ago Marian Something was adjudged Outstanding Actress in a Drama Series at the 2013 Golden Screen TV Awards  for her role in Amaya. 

All of her fans and supporters rejoiced, siyempre, as finally nakilala na bilang magaling na aktres itong dyowa ni Dingdong Dantes.

Magaling nga ba?

Well, to the eyes of her fans ay magaling nga siya but seemingly, to the eyes of her first-time director Jeffrey Jeturian she’s a non-performing actress.

We were informed that Marian took all of six takes to perfect her one scene with Cherie Gil sa Extra, ang indie movie ni Vilma.

ADVERTISING

Imagine, isang simpleng eksena lang ay na-take six pa ang best actress ng number two network sa bansa. Parang nakakaloka ‘yun ‘di ba dahil kapapanalo pa nga lang niya.

Ang balita nga namin ay super imbiyerna nga si Cherie kay Marian. Nag-iba nga raw ang kulay nito after some takes at halatang-halata raw na disappointed siya kay Marianita.

Even direk Jeffrey was utterly disappointed. Mataas pa naman ang expectations niya kay Marianita since she just took home her first best actress trophy.

<i>Kapapanalo lang na best actress</i><br>Marian Rivera, take 6 sa isang simpleng eksena!Fans of Marianita will certainly not welcome this news. Ang dating namin ay naninira lang kay Marian. But we don’t care. We’re not bothered dahil sino ba naman sila sa buhay namin.

Of course, meron na namang magde-defend kay Marian, ‘yung mga namantikaan ang nguso, ‘yung mga sipsip sa kanya at ‘yung natatakot na hindi maimbitahan sa kanyang thanksgiving party.

Need we say more?

 

ISA SI Julia Barretto sa mga ini-launch bilang latest members of Star Magic Circle 2013.

Anak nina Marjorie Barretto and Dennis Padilla at pamangkin nina Claudine and Gretchen Barretto, wish ni  Julia na maabot ang nara-ting ng kanyang popular showbiz family.

“Until now naman ay madami na silang na-accomplish and I wish na meron din akong ma-accomplish,” sabi ng dalagita.

Between Gretchen and Claudine ay mas hanga si Julia sa huli at ito ang gusto niyang peg sa showbiz.

“Her teleserye, her movie, sobrang that’s my… ‘yun ‘yong parang gusto kong project. Gusto ko rin kasi all around. I don’t want  to stick to just one role na always the good girl. Siyempre gusto ko me parang pagka-bad girl, bida, parang gano’n.”

Pumasok si  Julia sa showbiz na me kondisyon mula sa kanyang parents.

“Ang usapan is once you enter, gusto nila ma-balance ‘yung school and ‘yung showbiz. I think I can balance it.”

 

BLIND ITEM: Nakakaloka palang magregalo itong singer na ito sa kanyang dyowa.

In fairness, milyon naman ang halaga kung magregalo ito pero ang nakakaloka lang ay hulugan. Ayaw niyang magbayad ng cash.

May suking alahera ang singer na ito. Kapag merong special occasion ay kadalasan jewelry ang kanyang gift sa kanyang asawa. Needless to say ay milyones ang halaga nito at pares talaga o kaya naman ay isang set.

But there’s one thing which the singer is fond of doing – hulugan kung bayaran niya ang kanyang kinuhang alahas kahit na can afford naman siyang bayaran ito ng cash.

Teka, alam kaya ng asawa ng singer na ang jewelry set na gift sa kanya ay hulugan?

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING