Kapansin-pansin ang sobrang sweetness
Gerald Anderson at Janice de Belen, holding hands sa StarAwards!

ADVERTISING

<i>Kapansin-pansin ang sobrang sweetness </i><br>Gerald Anderson at Janice de Belen, holding hands sa StarAwards!

<i>Kapansin-pansin ang sobrang sweetness </i><br>Gerald Anderson at Janice de Belen, holding hands sa StarAwards!

MARAMI ANG nakapansin na magka-holding hands sina Janice de Belen at Gerald Anderson nang lumabas itong magkasabay pagka-tapos ng 26th Star Awards for TV. Nababalita ang sobrang sweetness at closeness na nakikita raw sa dalawa kung saan nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magkasama sila sa seryeng Budoy. Ngayon ay nabibigyang-kulay ito ng ibang tao.

Sa interview namin kay Gerald, agad naman nitong klinaro na ‘nanay’ ang turing niya sa aktres at sobra rin ang suporta na ibinibigay nito sa kanya. Tinanong nga nito sa amin kung nakausap na namin tungkol dito si Janice at nang sagutin namin siya na hindi pa ay nagsabi ito sa amin na huwag na lang at nakakahiya.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balita na kinausap daw niya nang masinsinan si Mommy Divine sa set ng Sarah G. Live!, klinaro niya agad sa amin na walang katotohanan ang isyung ito. Ayon kay Gerald, wala na rin silang komunikasyon ng Pop Princess.

ADVERTISING

Sa tanong namin kung bukas din ba siya sa posibilidad na magkaayos sila muli ni Sarah, agad kaming sinagot ng aktor na ‘di rin siya nagsasara ng pinto para rito, lalo’t nakarating sa amin ang balita na ayaw lang aminin ng dalawa ay tuloy pa rin ang espesyal na relasyon ng dalawa.

Magsisimula na ang seryeng Bukas Kita Mamahalin kung saan makakasama ni Gerald sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Rayver Cruz, Cristine Reyes at iba pa. Tiyak na isa na naman ito sa de-kalidad na serye ng Kapamilya Network kung ang pagbabasehan pa lang ay ang all-star casts nito.

 

TINANGHAL BILANG Best Comedy Actress ka-tie si Rufa Mae Quinto sa nakaraang 26th Star Awards for TV, pinabigyang-linaw namin agad kay Pokwang ang usap-usapan na masama raw ang loob sa kanya ng kaibigang si Chokoleit, at nagsalita raw ito na iniwan siya sa ere ng komedyana.

Pabiro pang sumagot sa amin si Pokwang na sasabunutan niya ang kaibigan at huwag paniniwalaan ang mga sinasabi nito. Sa huli ay sumagot si Pokwang na alam ni Chokoliet ang mga hirap na pinagdaanan niya at alam niyang masaya ang kaibigan sa kung anumang magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

Sa balita rin na may foreigner daw na bagong inspirasyon sa ngayon si Pokwang, ayon sa kanya ay wala siyang lovelife sa ngayon. Masaya siya sa mga blessings at trabahong tinatanggap niya. At kung dumating man ang lalaking para sa kanya, bonus na ito para sa kanya.

Maligaya dahil nanalo rin bilang Best Comedy Show ang Toda Max at Best Comedy Actor si Robin Padilla, para kay Pokwang ay napakalaking regalo ng mga natanggap nilang karangalan para sa 1st year anniversary ng Toda Max.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING