Kapansin-pansin ang effort at mataas na energy: POKWANG, ‘DI RAW INSECURE KAY MELAI!

ADVERTISING

Kapansin-pansin ang effort at mataas na energy: POKWANG, ‘DI RAW INSECURE KAY MELAI!Kapansin-pansin ang effort at mataas na energy: POKWANG, ‘DI RAW INSECURE KAY MELAI!THREATENED NA NGA ba si Pokwang sa pagsulpot ni Melai (Melisa Cantiveros ang real name)? Ito kasi ang itinanghal na Big Winner sa nakaraang Pinoy Big Brother. At gaya sa inaasahan, ang paglabas niya sa Bahay ni Kuya ang hudyat ng lalo pang pagbongga ng bagong kabanata sa buhay niya, na tiyak na pag-uusapan ang pagpasok niya sa showbiz.Bago pa man matapos ang PBB, ito na ang naitatanong kay Pokie. Pero, wala siyang ibang sinasabi kundi welcome sa kanya ang mga baguhan, lalo na ang very endearing character na gaya ni Melai. Bongga rin daw kung magkakasama sila sa isang proyekto.

Pero sa Wowowee nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang effort at mas mataas na energy ni Pokie, na pinatutsadahan na siya ni Willie Revillame, na dahil nga raw siguro sa paglabas ni Melai sa Bahay ni Kuya?

Ang maganda kay Melai, may iba pang factors na masarap subaybayan sa kanya, lalo na ang romansa sa pagitan nila ni Jason (Jason Veron Francisco). Natural lang na naaliw at nakisimpatya ang mga manonood ng PBB rito, kaya sila na nga ang makabagong Kim Chiu at Gerald Anderson, mga bagong celebrity out of anonymity dahil sa paglalagi ng 9 weeks sa bahay ni Kuya.

Aliw without really trying ang dating ni Melai, kaya hindi kami magtataka kung may mga nai-insecure na rin nga sa kanya.

KUNG SI LOVI Poe ang tatanungin, ayaw na niyang palakihin pa ang isyu sa mga tsismis na naglalabasan sa kanila ni Ronald Singson. But, finally, Ronald broke his silence. Panalo ang Showbiz Central dito, dahil never na nagpapa-interview o nagpapakilala man lang sa media si Ronald. Napaka-private niyang tao.

ADVERTISING

Pero, naniniwala si Ronald na kailangan na niyang humantad para naman maipagtanggol si Lovi sa kung anu-anong paninira rito. Sapat na ang paghantad ni Ronald para mailagay sa tama ang mga maling naisusulat at naibabalita tungkol kay Lovi, lalo na sa relasyon diumano nilang ginagamit at pinalalaki lang ng kung sinu-sino.

Just the same, hindi na ginawa ni Lovi na lumabas pa at mag-guest nang live sa Showbiz Central dahil dito. Tama na ‘yung nagkakaintindihan sila ni Ronald, at alam din ng showbiz friends ni Ronald na naaalarma rin ito na nadadawit sa kanegahan si Lovi dahil sa mga tsismis sa kanya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga malalapit at nagmamahal kay Lovi ay tunay na mas humahanga sa ginawa ni Ronald, at kumbaga sa eleksiyon, landslide victory na raw si Ronald, as far as Lovi is concerned.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING