Kapamilya fans, ‘di type si Kris Aquino sa drama? – Joey Sarmiento

Kapamilya fans, 'di type si Kris Aquino sa drama? - Joey Sarmiento

Kapamilya fans, 'di type si Kris Aquino sa drama? - Joey SarmientoKASAMA SI KRIS Aquino sa bagong teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo ng Dos kung saan gaganap siya bilang ina ni Kim Chiu. Ilan sa channel 2 executives ang medyo kinakabahan dahil after a very long time, e, ngayon lang ulit sasabak si Tetay sa matinding drama sa telebisyon.

Medyo nakilala kasi si Tetay bilang TV host for the past years kaya medyo bago ito sa paningin ng televiewers ng channel 2. Pero siguro naman, sa dami na ng pinagdaanan ni Kris, e, sigurado naming may paghuhugutan siya ng pag-emote sa role na ‘yon.

Abangan na lang po natin kung ano ang ihuhusga ng channel 2 loyalists sa bago nilang teleserye.

Female celebrity, nagpaplanong maki-level kina Krista at Ara kay Manny?!

BLIND ITEM: MAY NAKARATING SA amin na dahil sa huling pagkapanalo ni Manny Paquiao sa boxing laban kay Miguel Cotto, pinagpa-planuhan na raw siyang karirin ng isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.

Kumbaga, gusto na raw sumali ng female celebrity na ito sa level nina Krista Ranillo at Ara Mina at kapag nagkataon at itinuloy ng tinutukoy naming personalidad ang kanyang plano, naku, siguradong mawiwindang pati ang mundo ng pulitika.

At kung hindi masyadong nabahala si Jinkee sa pagkaka-link ni Manny kina Krista at Ara, baka mapa-tumbling siya sa ganda ng binibini na ito. O, clue ‘yan sa initials, huh… getz???

MARAMI ANG HINDI pa nakakakilala sa Concorde Recording artist na si Lemuel Santos pero isa siya sa mga na-nominate bilang Best New Male Recording Artist for his single “Mahal” sa nakaraang Star Awards for Music. Sina Bugoy Drilon at J Moore ang nagwagi sa kategoryang ‘yon.

Gusto lang sanang ipaliwanag ni Lemuel ang mga balitang nakarating sa kanya na nagtampo raw siya at umalis sa kanyang kinauupuan nang hindi ang pangalan niya ang tinawag sa naturang category. At kung meron daw ka-tie si Bugoy, dapat daw ay siya ‘yon at hindi si J Moore.

“Wala naman po akong karapatan na mag-dictate sa kung sino ang mananalo. Kaya po ako umalis sa upuan ko nu’ng gabing ‘yon, e, dahil tinawag po ako ng photographer para litratuhan. First time po ang lahat nang nangyayari sa akin ngayon kaya masaya na po ako sa nomination na natanggap ko.

“Kung sina Bugoy at J Moore po ang nanalo, e, deserving naman po sila at masaya rin po ako for them. Hindi po ako nagtatampo at nagpapasalamat pa nga ako sa PMPC dahil sa pagkaka-nominate ko du’n,” paliwanag ni Lemuel.

Paki… Bonggang-bongga raw ang 3rd Lantern Festival na gaganapin sa Biliran Province. Magkakaroon rin daw du’n ng parol competition at fashion show ng mga creations ni Ryan Sarangay kaya naman ngayon pa lang ay nagpapasalamat na sina Rogelio at Gerry Boy Espina sa mga local at foreign tourist na pupunta ru’n.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento