KAPAMILYA CELEBRITIES MAY CONCERT SA CANADA!

ADVERTISING

KAPAMILYA CELEBRITIES MAY CONCERT SA CANADA!

KAPAMILYA CELEBRITIES MAY CONCERT SA CANADA!
Kapamilya stars Piolo Pascual, Yassi Pressman, Elmo Magalona and Maja Salvador

BONGGA ANG PAANDAR ng Kapamilya Network sa mga kababayan natin sa Canada (Toronto and suburbs) dahil ito ang destinasyon nila sa darating na July 29, 2017(Saturday) para sa isang malaking paandar ng ABS-CBN sa mga Pinoy na kababayan natin.

ADVERTISING
 
Imagine, almost 35 sikat and not so sikat na mga showbiz celebrities ang magpapandar para sa “ASAP Live in Toronto” na gagawin na Ricoh Coliseum.
 
Fabulous ang line-up of stars na magpe-perform sa naturang event like Gary V, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, and Jolina Magdangal; Birit Queens – Jona, Morissette, Klarisse and Angeline; Soul Sessionistas –Jay-R, KZ, Jason Dy, Daryl Ong, and Kyla; Love Teams of Kim Chiu and Gerald Anderson; Elmo Magalona and Janella Salvador; Julia Barretto and Joshua Garcia; Liza Soberano and Enrique Gil; Top-Notch Dancers Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, and Yassi Pressman; Teen Idols Robi Domingo and Darren Espanto; and Prime Kapamilya Stars: Bea Alonzo, Paulo Avelino, Richard Yap, Jodi Sta. Maria, and OPM Icon Mr. Ogie Alcasid.
 
KAPAMILYA CELEBRITIES MAY CONCERT SA CANADA!
Kapamilya stars Ogie Alcasid, Janella Salvador, Kim Chiu and Rayver Cruz

Kapag ang ASAP performers and cast ang dumadayo, expected na SRO ito.

 
One thing nice about The Filipino Channel (TFC) subscribers sa ibang bansa ay updated sila sa mga kaganapan sa  mga artista natin na pakiwari nila’t nas Pilipinas pa rin sila.
 
Kaya nga ang mga showbiz celebrities natin, mas first priority nila to be part of any ABS-CBN shows dahil with TFC ay napapanood sila at nakikilala overseas(USA, Canada, Middle East and Europe); na kapag may show and concert sila sa ibang bansa ay mas madali sila ma-identify at hindi mo na ipagtatanong kung sino sila.
 
I’m sure, waging-wagi ang mga Canada-based fans nina ElNella, LizQuen, KimErald at up-close ay may encounter sila with their idols.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING