Kapag break at nagpapahinga Marian Rivera, sobrang mambulabog sa production?!

ADVERTISING

Kapag break at nagpapahinga Marian Rivera, sobrang mambulabog sa production?!

Kapag break at nagpapahinga Marian Rivera, sobrang mambulabog sa production?! BLIND ITEM: ANO kaya ang reaksiyon ng isang sikat na female newscaster na pinag-uusapan lately ang pagkakasibak sa trabaho ng kanyang kapatid?

May mataas pa namang posisyon sa isang construction firm ang kapatid ng female newscaster na ito. Nadiskubre umano ng kumpanya na over-priced ang mga ino-order nitong contruction mater-ials na naging dahilan nga ng pagkakatanggal nito sa puwesto.

Sa gano’ng usaping kinasangkutan ng kapatid, siyempre pa ay hindi maiiwasang mabahiran nito ang maganda pa namang imahe ng female news personality. Ilang taon din niyang pinaghirapan nang husto ang kanyang katayuan ngayon bilang isa sa pinakasikat, respetado at credible na newscaster ng bansa.

Ito raw sana nga ang dapat naisip ng kanyang kapatid.

ADVERTISING

Well…

 

GAANO KAYA KATOTOO ang tsismis na kung minsan daw ay nawiwindang ang production staff at crew ng Amaya dahil sa ingay ng bunganga ni Marian Rivera?

 

MAY MGA PAGKAKATAON daw kasi na kapag break, tahimik na tahimik sa set tapos biglang mabubulabog na lang daw ang lahat sa lakas ng boses ng aktres. Talagang umaalingawngaw raw sa buong kapaligiran kapag nagtatawag si Marian ng P.A., taga-wardrobe o ‘di kaya ay make-up artist.

In fairness kay Marian, likas kasi ang pagiging kikay na medyo makulit nito na naipagkakamali ng iba na ugaling palengkera. And since sa isang tahimik na area sa Laguna nga itinayo ang set ng Amaya, baka naman gusto lang niyang maging alive ang lahat during break.

Maraming hindi magandang paratang na ipinupukol kay Marian. She is always being judged as someone na walang breeding, magaspang ang pag-uugali, mataray, at palaaway. Pero mukhang mis-interpreted lang siya.

Naobserbahan namin kasi siyang mabuti no’ng birthday blow out niya para sa kanyang fans. Masayahin lang talagang tao si Marian na nagpapakatotoo sa sarili niya. Kumbaga, gusto niya sigurong ipinapakita kung ano talaga siya at bahala ka na kung gugustuhin o tatanggapin mo siya sa kung ano man o sino nga siya.

Ibang Marian Rivera ang nakita namin habang magiliw na nakikisalamuha sa kanyang mga tagahanga. Oo nga’t hindi siya prim and proper. Pero hindi rin naman palengkera.

At ang kanyang fans, kita namin kung gaano siya kamahal. Hindi sana gano’n kung talagang masama ang pag-uugali niya.

Naman!

 

NALOKA ANG ISANG reporter habang ini-interview si Jake Vargas. Tanong kasi nito, bukod sa pag-aartista, ano pa kaya ang propesyong pangarap ng young actor.

“Gusto kong maging ‘Engineering’!” buong ningning na sagot ni Jake.

“Ah… gusto mong maging Engineer din?” sabi ng reporter na pasimpleng gustong i-correct ang sinabi ni Jake.

“Opo,” sagot ng young actor. “Gusto ko rin pong makatapos ng pag-aaral para maging ‘Engineering’ din ako balang-araw.”

“Bopol pala talaga siya!” sabi  ng reporting este… reporter pagkatapos ng interview kay Jake.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING