KANYA-KANYANG LAKAD: Pia Wurtzbach, hindi isinama si Marlon Stockinger

ADVERTISING

KANYA-KANYANG LAKAD: Pia Wurtzbach, hindi isinama si Marlon Stockinger

KANYA-KANYANG LAKAD: Pia Wurtzbach, hindi isinama si Marlon Stockinger
Pia Wurtzbach

TALBOG ang bagong hairstyle ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na dumating sa Star Magic Ball 2017 without a date,  kung saan most of the stars na romantically involved ay escort nila ang kanilang mga boyfriend or manliligaw during the event last Saturday.

ADVERTISING
 
Nang dumating si Pia minus her boyfie na si Marlon Stockinger, bigla naging hot topic ang dalaga sa pagdalo sa red carpet event na wala si Marlon on her side
 
Break na ba sina Pia at Marlon kaya solo-flight ang dalaga sa event last Saturday?
 
Sa mga panayam ng mga entertainment reporters na nag-cover ng yearly event ng Star Magic sa dalaga ay nilinaw ng beauty queen ang curiosity at katanungan ng mga reporters na naroon.
 
May paliwanag si Pia kung bakit mag-isa siya dumating na hindi man lang sinamahan ng boyfriend. Kaya, ipinagtaka ng ilang press people kung nasaan ang boyfriend ni Pia na si Marlon.
 
“I always go solo every time I attend a Star Magic Ball. And there’s a reason why they call a ‘Miss’ Universe and it’s because it [means] a woman who can stand on her own,” paliwanag ng dalaga sa mga umurirat sa kanya.
 
Panigurado ng dalaga na wala silang problema ni Marlon. Dahil solo siya dumalo sa event, hindi ibig sabihin na “break” na sila.
 
“Marlon and I are fine, don’t get me wrong. We’re okay. He has his own thing to do, and I have my own thing to do. He’s here but he’s travelling soon,” paliwanag ni Pia.
 
Dagdag ni Pia: “He’s also busy right now, and he’s busy with his racing thing.”
 
Kung maaalala pa twice na natsismis na nag-split ang dalawa na umabot pa sa paga-unfollow nila sa mga social media accounts ng isa’t isa na basehan ng mga pagduda kung stable pa ang relasyon nila na binabantayan ng publiko lalo na ng mga netizens.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING