Kantang Shoot! Shoot! ni Andrew E noong 2013 biglang sumikat sa Tiktok, pelikula na ngayon

Leo Bukas
WALANG kaugnayan sa nakakamatay na covid-19 virus ang dahilan ng pagkakaospital ni Andrew E noong February 2020.
“May cholesterol blockage ako sa right shoulder blade. I underwent two robotic operations. Kailangan dalawa pati sa singit kasi mahaba ang blockage. I had to deal with it for two hours and thank God, nalampasan ko,” pagtatapat ni Andrew E sa amin  sa zoom conference ng Shoot! Shoot! (Di Kita Titigilan) na pelikula ng  Viva Films.
Kantang Shoot! Shoot! ni Andrew E noong 2013 biglang sumikat sa Tiktok, pelikula na ngayon
AJ Raval, Andrew E and Sunshine Guimary
Ayaw na nga raw sana niyang ikuwento pa ang tungkol dito pero dahil nga sa tanong namin kaya ibinahagi na rin niya ang pinagdaanang health condition. Ayon sa kanya, labis niyang  ikinabahala at ng kanyang pamilya ang nangyari. Posible raw kasi na dahil sa nangyari ay hindi na siya makapagtrabaho ulit dahil humina talaga ang kanyang resistensya.

Mabuti na lang daw at naging okey na ang lahat kaya  nakapagsyuting na siya ng Pakboys at ng latest comedy film niyang Shoot! Shoot! kasama ang sexy stars na sina AJ Raval at Sunshine Guimary bilang leading ladies niya.

“Lately, ang concern ko ay yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again. Kasi, simula noong ma-ospital ako, kung ang tao ay 100 hundred percent ang energy, I was around 40 percent.

“And then came my movie, Pakboys, I was a little bit gaining like 50 or 60 percent energy. With Shoot! Shoot! I was, like, maybe 80 to 90 percent energy. Nagre-recuperate ako. Kahit paano, hindi ako napapahiya sa aking mga kasamahan sa pelikula. Baka isipin nila, I’m carrying the situation just because I want to be pa-bida,” lahad pa niya.

Ang Shoot! Shoot ay isa sa mga title ng kanta noon ni Andrew E na hindi gaanong sumikat. Pero dahil sa pagsulpot ng Tiktok ay nag-trend ito nang husto na meron na halos  40M combined views.

“Nagulat nga ako. It was my kids who were telling me, ‘Papa, is this your song?’ ‘What song? I don’t have a new one.’ ‘Shoot! Shoot!, it’s all over TikTok.’ I can’t believe it,” masaya niyang kwento.

“I wrote Shoot! Shoot! in 2003. I was thinking noong panahon na yon, usong-uso yung mga long-distance relationship. Noong pumasok yon sa isip ko, might as well gumawa ako ng kanta about long-distance relationship na very imaginative,” dagdag pa niya sa naging inspirasyon sa paggawa ng Shoot! Shoot!