Kampo nina JLC at Shaina, ‘di nag-deny sa tsuktsakan

ADVERTISING

Kampo nina JLC at Shaina, ‘di nag-deny sa tsuktsakanKampo nina JLC at Shaina, ‘di nag-deny sa tsuktsakan“HOY, TOTOO BA ‘yung kina John Lloyd at Shaina? Na-lock daw sa keps ni Shaina ang notes ni John Lloyd?”

“Hindi totoo!”

“Hmph! Totoo daw, eh!”

“Sino’ng nagsabi?”

“’Yung friend ko, kaibigan niya ‘yung nurse, eh!”

ADVERTISING

“Nakita ba nu’ng nurse?”

“’Yun ang sabi. Nakatalukbong daw ng kumot!”

“Hindi nga totoo.”

“Totoo daw, eh!”

“Magtatanong ka, tapos, ayaw mong maniwala. Eh, ‘di paniwalaan mo ‘yung alam mo para hindi na tayo mag-away!”

“Pero totoo ba?’

“Oo, totoong makulit ka, potah ka!”

BA’T GANO’N ANG ibang tao, ‘no? Nagtatanong. Sinagot mo. Ayaw maniwala sa ‘yo. Igigiit ‘yung nalalaman niya. Oh, eh, ‘di ganu’n naman pala, ba’t nagtatanong pa?

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin. Pero nasaan ang ebidensiya? Me nakakuha man lang ba ng picture kahit sa camera ng celfone? Wala namang maipakita.

Saan din bang ospital? Ang sabi, sa St. Luke’s Medical Center. Tapos, ang latest naman, sa Medical City raw. Ano ba talaga, Kuya?

Common sense, kahit may penis captivus na tinatawag o “vaginismus,” pagtitiyagaan nina John Lloyd at Shaina na hintayin ang oras para mahugot lang ‘yon.

Sa sobrang tense siguro nila, unti-unting lalambot ang notes ni John Lloyd, kaya mahuhugot na ‘yon. ‘Yan ay kung totoong may gano’ng pangyayari, ha?

So, kung ito’y gawa-gawa lang, hanep naman ang nag-imbento nito. Parang “love bug” virus na sumira ng maraming computers.

SA KULIT NGA ng mga taong nagtatanong na hindi kuntento sa sagot naming hindi totoo, igigiit pa rin talaga nila.

Isang linggo nang umiikot ang tsikang ito. Na kahit pinabulaanan na, pinag-uusapan pa rin. Nilinaw na sa SNN at pati sa The Buzz, ayaw pa ring maniwala ng iba.

Kaya nga kahapon, may nagtanong sa amin, “Totoo ba ‘yong kina John Lloyd at Shaina?”

Ang sagot lang namin para manahimik na, “Nahugot na po!”

ANALYSIS NAMAN NG isang friend namin, sa pangyayaring ito, nagdenay na ang Star Magic sa tulong ni Kuya Boy Abunda na walang katotohanan na hinigop ng “keps” ni Shaina ang notes ni John Lloyd.

At least, wala kaming narinig na, “Imposible ‘yon, dahil John Lloyd and Shaina don’t engage in pre-marital sex!”

Doon talaga, maiintindihan namin ang mga tao kung sila’y aalma na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING