Kampo ni Ronald Singson, umaalma Lovi Poe at Jake Cuenca, nauwi sa totohanan ang gimik sa pelikula?!

Kampo ni Ronald Singson, umaalma Lovi Poe at Jake Cuenca, nauwi sa totohanan ang gimik sa pelikula?!

Kampo ni Ronald Singson, umaalma Lovi Poe at Jake Cuenca, nauwi sa totohanan ang gimik sa pelikula?!

NAGTATANONG NA SA akin ang iba kung tuloy pa rin ba si Shalani Soledad sa Wil Time Bigtime pagkatapos ng kasal nila ni Cong. Roman Romulo.

Tingin ko naman, tuloy pa rin at aware naman si Willie sa relasyon ng dalawa. Pero hindi ko rin tiyak ‘yun dahil alam n’yo naman ang mga kaganapan at ang mga pagbabago pagkatapos ng kasal, ‘di ba?

Si Shalani naman, parang nakahanda na siya maging plain housewife. Pero nandiyan pa rin ang responsibilidad niya bilang konsehal ng Valenzuela. Tuloy pa rin ang political career niya, kaya hindi pa natin tiyak ang mga pangyayari.

Tuloy na rin ang paglipat ni Mariel Rodriguez sa TV5 at magiging isa na siya sa co-hosts ni Willie sa Wil Time Bigtime, kaya baka si Mariel na lang at wa na si Shalani.

Kaya tingnan na lang natin, dahil ang sa akin lang naman kung ano ang gusto ni Shalani ‘yun ang masusunod.

Meron pa ngang alok sa kanya na programang pagsasamahan nila ni Papa Erap, pero ‘di ko pa sure kung tuloy ‘yun. Kaya abangan na lang natin! Sa ngayon ay inaayos pa lang nila ang kasal.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang exclusive interview ni Ricky Lo sa magkasintahan at doon na ang announcement ng buong detalye ng kanilang kasal.

 

NAKUNAN NAMAN NG Startalk ang last shooting day ng pelikulang Aswang na pinagbibidahan ni Lovi Poe, kung saan katambal niya rito si Paulo Avelino.

Ang alam ko, may mga daring scenes din dito si Lovi. Pero kukunan pa lang daw ang mainit na love scene nila ni Paulo.

Parang tuluy-tuloy na kasi ang pagpapa-sexy ni Lovi dahil dito siya napansin at lalong gumanda ang career niya.

Medyo sexy na siya sa Temptation Island at nagpaka-daring na siya nang husto sa My Neighbor’s Wife at ito na ang kasunod, ang Aswang.

Marami rin ang nag-react sa sexy pictorial niya sa FHM, pero lalo naman siyang napansin kaya ang dami na ngang nagkakainteres sa kanya.

Pero totoo kayang nagri-react na raw ang kampo ni Ronald Singson? Nakakarating na rin kaya kay Ronald ang bagong image ni Lovi?

Kasi ‘yung gimmick na closeness nila ni Jake Cuenca, nagri-react na rin daw ang kampo ni Ro-nald.

Alam ko kasi, gimmick lang ‘yung sa kanila ni Jake para sa promo ng My Neighbor’s Wife, pero parang nagkakamabutihan na yata.

Naku! Ewan ko kung sasagutin pa iyan ni Lovi dahil lagi namang umiiwas iyan sa isyu.

Tingnan na lang natin paglabas ni Ronald dahil mabubuhay na naman ang isyu nila ni Lovi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis