Kampo ni Richard Gutierrez, deadma sa airport issue – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Kampo ni Richard Gutierrez, deadma sa airport issue - Gorgy's ParkTAHIMIK SI RICHARD Gutierrez sa isyung pagwawala nito sa airport ng Cebu Pacific nang pinagsarhan na sila ng pinto ng naturang airlines na lilipad patungong Kuala Lumpur.

Nagsimula lang ito sa blind item pero nabanggit na sa PEP na si Richard nga iyun at ang matagal nang rumored girlfriend niyang si Jewel Mische ang kasama nito.

ADVERTISING

Ayaw nang patulan ito ng kampo ni Richard dahil obviously, hindi naman nakatutulong lalo na’t may pelikula itong Patient X at special sa GMA-7 News and Public Affairs.

Katatapos lang ng magandang isyu sa kanya nang pagsagip kay Cristine na ka-partner niya sa Patient X kaya pakiusap sa amin ng ilang taong malapit kay Richard, huwag na lang patulan, alang-alang kay Tita Annabelle.

Dahil na nga kay Tita Annabelle na mabait naman sa amin ay hindi na lang namin ito kinakalkal.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Pati si Jewel ay hindi rin sumasagot sa aming mga tawag, at naintindihan naman namin ito para huwag na ngang lumaki ang isyu.

Naawa na kami kay Jewel dahil wala namang pinag-uusapan sa kanya kundi ang nakatagong girlfriend ni Richard.

Sana mabigyan naman siya ng magandang project ng GMA-7 para meron naman siyang pinagkakaabalahan.

Abala naman siya sa pag-aaral pero nangako naman si Jewel na kaya na niya itong i-manage sa schedule niya kaya ilang beses na nga siyang nakiusap na sana mabigyan na siya ng magandang project ng GMA para hindi naman pawang kay Richard lang ang isyu sa kanya.

Vice-Mayor Herbert Bautista, threatened kay Willie Revillame?

KASAMA NI SEN. Bong Revilla ang Q.C. Vice Mayor Herbert Bautista sa pamimigay ng relief goods sa tatlong barangay sa Novaliches kamakalawa at sa gitna ng naturang activity, natanong namin kay Herbert kung ano ang naramdaman nitong posibleng makakalaban daw niya sa pagka-Mayor si Willie Revillame.

Hindi pa naman nagdeklara si Bistek na Mayor ng Q.C. ang tatakbuhan nito pero iyun na ang usap-usapan at biglang naisingit ngayon si Willie sa mga tatakbo dahil tila may interes din daw itong pasukin ang pulitika.

May pagka-nega nga lang ngayong si Willie kaya tuwing sumasama nga ito sa mga lakad ni Sen. Manny Villar, may mga nag-react na hindi raw nakatutulong si Willie sa mga lakas ng nabanggit na presidentiable.

Pero malaki ang tiwala ni Sen. Villar kaya madalas niya itong isinasama lalo na sa mga pag-iikot nito sa mga probinsya at minsan ay pamimigay rin ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Napagdudahan tuloy na baka siya raw ang kukuning running mate ni Sen. Villar, pero tinitiyak naman ng mga taga-Nacionalista Party na hindi raw talaga.

Kaya Mayor ng Quezon City naman daw ngayon ang tatakbuhan ni Willie. Wala pa namang sagot si Willie tungkol diyan pero hindi gaanong paborable ang reaksyon ng karamihan.

Reaksyon naman ni Vice Mayor Herbert, lahat naman daw ay welcome kung sino ang tatakbo kaya okay lang naman daw sa kanya kung sakaling si Willie ang makakabangga nito.

Marami pang matitinding makakalaban si Herbert kaya tingin ko naman hindi si Willie ang pinangangambahan niyang makakalaban nang mahigpit.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING