Kampo ni Nora Aunor, pinalalabas na tsismoso si Coco Martin

ADVERTISING

Kampo ni Nora Aunor, pinalalabas na tsismoso si Coco Martin

1 Nora-AunorNAGTATAKA LANG ako kung bakit masyadong pinalaki ng kampo ni Nora Aunor ang isyu na sa kampo diumano ni Coco Martin nagsimula ang balitang pagpapakalat ng aktor na nangungutang sa kanya ng pera ang aktres bukod sa mga dagdag kuwento na ipinagmamayabang nito na siya ang nagbabayad ng condominium unit rental ng aktres.

Hindi naman fair para kay Coco na pagbintangan siya lalo’t wala naman kasiguraduhan na sa kanya nagmula ang balita.

Sa pagkakaalam ko, lumabas ang balita na sinulat ng isang hardcore Noranian sa isang tabloid na imbis i-cover-up ang isyu na alam naman nating ikasisira ng aktres, lalong lumaki tuloy ang isyu.

Kung bakit naman kasi hindi pa nagmo-move-on ang mga fans ni Nora lalo na ang mga reporters na maka-Nora gayong dapat level up na sila at iba na nga ang “level” o estado ng aktres ngayon.

ADVERTISING

Stop na sila dapat sa mga tsikang walang pera, nangungutang, casino, hindi nakakabayad ng upa or pinapaalis ng condo unit owner dahil nabababoy ang mga unit nila na very negative para sa aktres lalo na sa buhay pag-ibig ni Nora na hindi na nag-level up at naka-stocked na lang kay John Rendez (aminin man niya o hindi).

Ngayon pa na super active si Guy sa kanyang career with two or three movies in canned (Padre de Familia with Coco Martin and Dementia under the direction of first timer Perci Intalan) at may ilan pa na gagawin tulad sa project nila ni Joel Lamagan, siguro it’s time na iba naman ang publicity strategy para kay Nora na makakatulong sa muling pagkabuhay ng career niya.

Suggestion ko, ngayon na sunud-sunod ang mga pelikula ng aktres, marahil panahon na magbuklod ang mga Noranians para planuhin ang muling pagpapasigla ng showbiz career ng aktres bukod sa katotohanan na kailangan kumita ang mga pelikula niya.

Ewan ko kung bakit kahit anong pilit ng ilan na paigihin ang imahe ng aktres, hindi pa rin maka-move-on si Nora sa imahe na very negative para sa kanya.

Sa tutoo lang, nagmumukhang pista na naman ang isyu ngayong nakisawsaw na naman si Rosanna Roces na ngayon ay super chummy sa dating Superstar na incidentally ngayong araw ay kaarawan ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING