Kampo ni Nora Aunor, ‘di titigil hangga’t ‘di nakagaganti kay Cristy Fermin?!

ADVERTISING

Kampo ni Nora Aunor, ‘di titigil hangga’t ‘di nakagaganti kay Cristy Fermin?!

Kampo ni Nora Aunor, ‘di titigil hangga’t ‘di nakagaganti kay Cristy Fermin?!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! To the maximum authority of chikka at maloloka ka na naman sa Earth sa mga chikkang isi-share ko sa inyo! Nakakaloka at ang masasabi ko lang sa ichichika ko at nakapag-comment ako agad kung totoo ba talaga itong karma o hindi?

ADVERTISING

Dahil simulan muna natin ang eksena at isi-share ko ulit ang nangyari dati sa ‘kin dahil ‘yung isang columnist dito sa Pinoy Parazzi ay ganu’n din ang ginawang eksena na parang pinapili niya ang Pinoy Parazzi sa aming dalawa, kung sino ang pipi-liin. Siyempre hindi naman sa nagmamalaki ako o nagmamaganda ako. Ako naman ang pinili nila dahil eversince ay naging okay naman ako at hindi ko naman gawain ang magpapili, sa kung sino ang mas karapat-dapat.

Ngayon, ganyan na ang nangyari dahil nai-chikka ng mga kaparazzi natin na si Cristy Lucyfermin ay nais ipatanggal ng Superstar na si Nora Aunor.

Nakakawindang, parang hindi talaga titigil ang kampo ni Nora hangga’t hindi sila nakakaganti sa mga ginawang kaplastikan ni Lucyfermin dahil paulit-ulit naman nating sasabihin at marami rin ang magpapatunay na noong wala pa naman talaga si Ate Guy rito, walang habas ang paninira ng columnist na ‘yan. At ang nakakaloka pa, ang chikka nila ngayon na kaplastikan lang daw ang patungo ni Ate Guy kay Lucyfermin.

ADVERTISING

Siguro kung ako ang tatanungin, wala naman yatang sinasabing papatalsikin ni Nora Aunor si Lucyfermin dahil marami lang talaga ang mga gumagawa ng ganyan para matanggal ‘yang si Lucyfermin, dahil marami talagang makakapagpatunay na talagang ang lumalabas na plastic sa kanilang dalawa ay si Lucyfermin na ‘yan sa mga ginagawa pa lang niya, at marami ang makakapagpatunay du’n.

Kaya kung ako sa kanya, magpapakatotoo ako dahil mabilis talaga ang karma! Divaaa?! Pak!

 

AT HETO PA ang chikka na talaga namang maloloka ka talaga sa Earth… hindi lang sa Earth, Universe pa! Hahaha!

Bonggang-bongga at nagsalita na rin si Lea Sa-longa tungkol sa pagkapanalo ni Miss Angola at talaga namang marami ang nagsasabi na inilaglag nga niya si Shamcey Supsup.

Ang chikka nga ni Miss Lea, pare-parehas silang mga judges dahil pagpasok pa lang nitong ni Miss Angola sa evening gown ay natulala na silang mga judges.

At sa tanong ng mga kababayan kung bakit si Miss Philippines na walang  interpreter   sa question and answer at bongga ang sagot ay natalo, samantalang  si Miss Angola ay merong interpreter, ang sagot ni Lea, “I also have consider Miss Angola, she had an interpreter who kept interrupting her… and she answered very quickly as the interpreter jumps in.” At talagang na-maintain daw ni Miss Angola ang kanyang poise.

Sa tanong na kung bakit madali lang ang tanong niya kay Miss Angola, sagot ni Lea, hindi raw niya kasalanan ‘yan, dahil ang question daw ‘yan ay nanggaling sa organization ng Miss Universe.

Matagal na nga kasing isyu yan, at least nasagot na niya ang mga tanong ng mga kababayan natin. Ang mase-say ko lang diyan… move on! Hahaha! Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. At siyempre every Saturday, sa mga kababayan natin sa UK, i-type lang sa internet ang PINOYRADIOUK, 7:00-9:00 PM, Manila time. Badjao! 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING