Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!

ADVERTISING

Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!

Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!SAYANG AT tapos na ang presscon for Maria Mercedes kaya hindi na namin naitanong kay Jessy Mendiola ang blind item about her na pinagkaisahan siya ng friends ni JM de Guzman.

Nasulat sa isang website na iginanti ng mga kaibigan ni JM ang binata nang makipaghiwalay si Jessy rito. Kinausap daw nila si Matteo Guidicelli para paibigin ang dalaga.

Kumagat naman daw si Jessy at ‘yun nga ang nangyari, hiniwalayan rin siya ni Matteo.

Ngayon, amanos na raw sina Jessy at JM.

ADVERTISING

 

WE WILL not be surprised kung magkaroon ng comparison between Gerald Anderson and Alden Richards in the future dahil merong gagawin ang huli na baka magkapareho sa Budoy na ginawa noong una.

Balitang gaganap bilang isang autistic si Alden sa isang soap na pagsasamahan nila ni Marian Something.

With this, marami na ang kaagad na nag-react na parang gaya-gaya lang ang Siyete sa Dos.

Actually, ito na siguro ang hinihintay ng fans ni Alden na solo project for their idol. Ang feeling kasi ng marami ay parang extra lang si Alden sa soap opera ni Louise delos Reyes. Wala raw weight ang character niya roon na parang pang-display lang. And what’s utterly disgusting ay ang paulit-ulit na drama na merong guwapong guy na magkakagusto sa pangit na character which Louise is playing.

Ang nakakaloka, ano ang magiging role ni Marianita sa soap ni Alden? ‘Wag namang sabihing magiging leading lady niya ito, dahil malayo ang agwat ng edad nila. Baka mas credible pa kung magiging tiyahin niya si Marianita, ‘di ba?

Kampo ni Marian Rivera, asar na asar kay Sam Pinto!Ang nakakaloka, ipinangangalandakan yata ng Siyete na original drama ang Alden project nilang ito.

“Original???? hehehegege guys alam nmn ntin n c gersld anderson ang unang gumnp autism s teleserye at un ang budoy n pumalo s ratingssss….. un angorig,, pero gudlk ky alden,” sabi ng isang nag-comment.

 

ASAR NA asar ang kampo ni Marianita sa kampo ni Sam Pinto.

Ang feeling kasi nila ay ang mga maka-Sam lang ang may gusto sa drama ng FHM na ire-relinquish ni Sam ang kanyang FHM Sexiest title kay Marianita na siyang nagwagi ng titulo this year.

Fans of Marianita feels na ginagamit lang ang dyowa ni Dingdong para pag-usapan si Sam na second placer lang sa FHM Sexiest Pinay this year.

“Ang mga hitad talaga ang hilig kumapit kay Marian. Ginagamit na naman siya…. Kainis!” wailed one Marian fan.

“Gustong mabangit name nya.. di naman nya maasahan si MR na magsalita about her never,’ sabi naman ng isa pang supporter ni Marianita.

Teka, bakit naman gagamitin ni Sam si Marianita? Hindi naman superstar si Marianita para gamitin, ‘no!

 

BLIND ITEM: This actress is being talked about for her kakuriputan. Talaga palang reyna ng pagiging makunat ang hitad. Ang gusto niya’y palaging libre.

Can you imagine na hatid-sundo siya ng service car ng isang network kapag nagre-report siya sa taping? Wala rin siyang binibiling damit para sa character niya sa isang soap, lahat provided ng network.

Ang nakakaloka pa, maarte ang hitad when it comes to her make-up. Maski hindi pa siya tapos ayusan ay marami na siyang reklamo kaya naman dusa talaga ang make-up artist na gumagawa sa kanya.

Kapag nilalagyan na siya ng make-up ay pinabubura niya kaagad kahit hindi pa tapos dahil ang feeling niya ay hindi ito maganda sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING