Kampo ni Claudine Barretto, naghamon kay Raymart Santiago

ADVERTISING

Kampo ni Claudine Barretto, naghamon kay Raymart Santiago

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoNAG-REACT AGAD ang kampo ni Claudine Barretto sa interview ko kay Raymart Santiago na lumabas sa Startalk nung nakaraang Linggo. Sinabi kasi ni Raymart na nagtangka siyang magbigay ng suporta sa dalawang anak nila ni Claudine, pero ni-reject daw ito.

ADVERTISING

Nagpadala agad ng statement ang abugado ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio kaugnay sa sinabi ni Raymart na tinanggihan daw ang alok niyang suporta para sa mga bata.

Heto ang text message na pinadala ni Atty. Topacio sa staff ng Startalk:

“The statement of the camp of Mr. Raymart Santiago that they offered support but it was rejected, is pure unadulterated BS. There were no such offers at any time. If they are indeed serious, then we now demand supoort starting August 2013 up to the present at the rate which Mr. Santiago used to give before he left the conjugal abode, unti such time that the court orders a different amount.

ADVERTISING

“We dare Mr. Santiago to put his money where his mouth is. In other words, put up or shut up.”

Kinlaro ko ‘yung BS na nabanggit sa statement na ‘yun. Tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ng BS na ‘yun. “Bull shit” pala ang ibig niyang sabihin.

Kaagad namang hiningan ng Startalk ng reaksyon ang abogado ni Raymart sa huling statement, pero ayaw na nila itong patulan dahil sabi ni Atty. Castelo, mas mabuting sa korte na lang daw iparating ang statement na ‘yun.

Sabi nga ni Atty. Castelo, mas mabuting sa korte na lang daw sila magpalitan ng mga pahayag, huwag na raw sa media.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING