KALMA LANG, GIRL: Thea Tolentino, ‘di napigilan ang kilig kay Alexander Lee!

ADVERTISING

KALMA LANG, GIRL: Thea Tolentino, 'di napigilan ang kilig kay Alexander Lee!

KALMA LANG, GIRL: Thea Tolentino, 'di napigilan ang kilig kay Alexander Lee!
Thea Tolentino with KPop star Alexander Lee

TIME OUT muna sa pagmamaldita ang Kapuso bida-kontrabida na si Thea Tolentino. Tuluyan itong kumalas sa karakter niya bilang Lucille ng Haplos at nagpaka-fan girl nang makilala ng personal ang Korean leading man and former U-Kiss member na si Alexander Lee.

ADVERTISING

Sino si Alexander Lee at bakit siya relevant these days? Well, siya lang naman ang Korean leading man ni Heart Evangelista sa upcoming rom-com ng GMA-7 entitled “My Korean Jagiya”. May ilang photos na rin nina Heart at Alexander na kumalat sa internet and in fairness, bagets na bagets pa rin ang aura ni Heart kahit na siya ay 32 years old. 32 pero looking 22!

Sa dami ng Pinoy actresses na nababaliw sa mga Oppa ng mga KDramas and KPop Idols, isa si Thea Tolentino sa mga ‘nilamon na ng sistema’. Ang ilan sa mga artistang baliw na baliw ay sina Glaiza de Castro, Ellen Adarna at Anne Curtis.

Refreshing tingnan ang photo ni Thea Tolentino with the Korean actor. Nakangiti ito at lumabas ang kanyang youthful look. Sunod-sunod kasi ang mga kontrabida roles ng dalaga kaya tila na-associate na siya sa pagiging maldita. Ang ilan sa mga Kapuso leading ladies na na ‘inapi’ niya include Barbie Forteza, Janine Gutierrez, Joyce Ching at Maine Mendoza. Sa fans ng huli siya nakatikim ng bonggang pambabash ng mga protective fans. Kalerks!

ADVERTISING

Sa ngayon ay sila ni Sanya Lopez ang nagwawarlahan sa afternoon prime series na ‘Haplos’. Mukhang wala namang reklamo si Thea kung nata-typecast siya sa kontrabida roles dahil at least, tuloy-tuloy lang ang pasok ng kita!

 

It was really nice meeting you @xander0729 ! ?? #MyKoreanJagiya

A post shared by Thea Tolentino (@theatolentino) on

Aliw na nag-comment ang real life boyfie niya na si Mikoy Morales na pabirong nagseselos sa picture nina Alexander at Thea.

Kahit na kinakarir ni Thea ang pagiging kontrabida, sana ay mabigyan din siya ng light project. Si Barbie Forteza, nagbida na in two light primetime shows. Si Thea naman sana next. Bigyan niyo naman siya ng chance na maging dalaga, noh!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

ADVERTISING