KALMA LANG! Anne Curtis, umalma sa balitang babalik siya sa GMA

MARAMING hardcore Kapamilya viewers ang heartbroken dahil sa ginawang pagmu-move on ni Bea Alonzo by moving to GMA. Understandable naman ito lalo pa’t isa sa itinuturing na Reyna ng ABS-CBN ang award-winning actress. Undeniably, it was an emotional day for a lot of people.

KALMA LANG! Anne Curtis, umalma sa balitang babalik siya sa GMA
Anne Curtis

Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nagpanic ang mga certified Kapamilya fans nang ipost ni Joey Abacan ng GMA ang screenshot ng isang productive meeting sa pagitan ng GMA executives, Viva Artists Agency at ng isa pang reyna ng Kapamilya at Viva na si Anne Curtis.

Sa mga hindi nakakaalam, nag-umpisa ang showbiz career ni Anne Curtis sa bakuran ng GMA-7. Pagkatapos lumabas sa Magic Kingdom 2 ay nagtuloy na ito as one of GMA’s promising teen stars. Dito ay nahasa ang kanyang kakayanan sa drama at komedya kaya naman talagang kinabog niya ang mga taga-ABS-CBN nang lumipat ito noong 2003. From then on ay mas lalong sumikat si Anne Curtis at naging Dyosa ng primetime and noontime TV. She’s also one of our reigning movie queens!

Dahil maayos ang pag-alis niya sa GMA, hindi natin masisisi ang ilang nag-assume na baka plano na nitong bumalik sa kanyang original network, na agad niyang inalmahan sa kanyang official Twitter account.

“Please tell us na GMA Films lang, at hindi ka lilipat sa GMA,” tanong ng isang follower ni Anne.

KALMA LANG! Anne Curtis, umalma sa balitang babalik siya sa GMA
Anne Curtis

Sumagot agad si Anne: “Hahaha Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision. The last viva x gma film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma Lang!”

Ang isa pa na kinumpirma ni Anne Curtis ngayon ay ang nakatakda niyang pagbabalik sa noontime show na “It’s Showtime”.

“And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime (rainbow emoji) So kalma lang madlang peeps!”  masayang balita ng nag-iisang Dyosa ng showbiz.

So ayun na nga… kalma lang!

 

Previous articleLIFE GOES ON: Bea Alonzo, certified Kapuso na!
Next articleSHALA! Heart Evangelista ipinasilip ang kanyang resort sa Boracay