Kakilalang girl ni Iza Calzado, nag-deny rin sa Hayden video scandal!

Kakilalang girl ni Iza Calzado, nag-deny rin sa Hayden video scandal!

DIET(ARY)’S SUPPLEMENTS: “HINDI pa ako nagko-confirm. Malaking responsibilidad ‘yan. Kaya, dapat na pag-isipang mabuti,” ang sagot ng Only You co-star nina Angel Locsin at Sam Milby na si Diether Ocampo sa ipinadalang paanyaya sa kanya ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng Co-Chairman nito na si Comm. Christopher L. Carrion, kaiLan lang.

Nakasaad sa sulat ang imbitasyon para si Diether eh, makabilang sa mga ia-appoint na commissioner nito sa loob ng tatlong taon. Diumano, makatutulong si Diet at ang 24 pang magiging miyembro nito sa commemorative activities ng samahan to help sustain the meaning of the spirit of EDSA at maging bahagi ng mga meritorious historical causes.

Involved na si Diet sa iba’t ibang worthy causes, na lalo lang nagpapaigting sa pagiging modelo niya sa kabataan.

Pero may balita rin kasing sasalang sa pulitika si Diet in the future. Kaya, malamang na hindi nito magagampanan nang sabay-sabay ang mga bagay na gaya ng nasabing Commission dahil kailangan ding maging tutok ka rito!

I HAVE TWO hands: Oo, the left and the right! At kahit na sa Agosto pa ng taong ito itinakda ang pag-iisang dibdib ng dating sexy actress na si Klaudia Koronel sa kanyang boyfriend na nasa Amerika pa, may ilang bagay ng pinagtatalunan ang dalawa.

Abala na sa pag-aasikaso si Klaudia sa mga detalye sa kanilang kasal, na gaganapin sa August 28 sa Central Delima-Iglesia ni Cristo sa Quezon City.

Hilong-talilong isang araw sa Facebook si Klaudia para tanungin ang kanyang mga ka-Facebook kung saang daliri raw ba isinusuot ang wedding rings. Stressed out na nga raw siya dahil sa design pa lang ng singsing, hindi na sila magkasundo ng magiging mister niya, ayaw nito ng may diamond at gold. Eh, siya naman mixed ang gusto niya. Baka raw puwedeng magkaiba na lang sila ng design, ang suggestion nito.

Ang paliwanag naman niya, minsan lang silang ikakasal kaya dapat na ang body ng wedding rings nila eh, pareho.

Siyempre, karamihan ng sumagot sa tanong ni KK eh, sa kaliwang finger ito isinusuot. Gusto niya kasing maging sigurado para sa sukat ng daliri nila. Pero lalo lang siyang nagulo ng may mga nagsabi namang ina-allow ng ibang pari diumano na sa kanan ito isuot ng babae.

Pero may nagsabi na ang vein of love eh, nasa kaliwang daliri. Kaya, siguro by now, nahinuha na ni KK ang dapat na sukatan ng magiging wedding rings nila.

I’m sure nakatulong din ang Wikipedia, the last resort?

D-DAY-JA VU?: May nakapagkuwento sa amin tungkol sa babaeng nabanggit ni Iza Calzado sa isa niyang interbyu na naugnay sa controversial na doctor na si Hayden Kho.

Naninirahan na sa ibang bansa ang nasabing dalaga (pa hanggang ngayon) at sinisiguro naman daw nito na sa panahong nanligaw sa kanya ang nasabing doctor eh, walang video na kakalat na mai-involve siya na kasama ito. That was some eight or nine years ago na raw.

Naugnay din ang nasabing dalaga sa isang TV personality pero hindi nagtagal ang relasyon nila. Kakilala nga raw siya ni Iza at kung na-link man daw siya kay HK, ‘yun eh, dahil sa lumigaw naman ito sa kanya. Pero pawang dates lang daw ang nangyari during that time. At never daw silang nagkaniig. Nakapagkuwento ang malapit sa dalaga dahil nga nabanggit ni Iza na hindi siya naging malapit kay HK, kundi ang isang kakilala niya. Nalinaw na rin ito ng dalaga kay Iza dahil may communications naman daw sila, ayon sa kuwentong aming nasagap.

The Pillar
by Pilar Mateo