Kakai Bautista, nali-link kay Mario Maurer!

ADVERTISING

Kakai Bautista, nali-link kay Mario Maurer!

Kakai Bautista, nali-link kay Mario Maurer!BLIND ITEM: Nakakalokah naman ang isang bagets actor. Ang hilig mang-asar, pero ‘pag napikon, namimisikal.

Aba’y sa isang shooting, habang hindi pa sila kinukunan ay inaasar niya ang isang 5-year old na talent. Nu’ng napipikon na ang bagets, bigla nitong sinuntok ang young actor. Ang ginawa naman ng young actor, hindi man lang nagdalawang-isip, itinulak niya nang bongga ang batang paslit.

Lalo tuloy umiyak ‘yung bata. At ang ending, si bagets actor pa ang galit na galit, dahil sinuntok daw siya. Eh, pa’no siyang hindi susuntukin nu’ng bata eh, inaasar niya? Ang nakalimutan yata ng young actor, bata ang kaaway niya, hindi kasingtaas niya, hindi kasingtangkad niya.

At ipinagmamalaki pa ng bagets actor noon sa mga nakakausap na movie press na siya ay isa nang renewed Christian, take note. Patulan ba talaga ang isang bata?

ADVERTISING

Clue sa young actor?

Well, ang kanyang name ay muntik nang bumaho.

 

GUSTO NAMING sabunutan sa kanyang buhok sa ilong ang komedyanang si Kakai Bautista, dahil nali-link siya ngayon sa Thai actor na si Mario Maurer. Eh, tapos na ‘yung movie nilang Suddenly, It’s Magic, pero ‘yung pagkaka-link ke Kakai, parang never ending.

‘Eto namang si Ka-kai, deadma sa twitter. Parang ine-enjoy niya ang isyung siya ang cause ng break-up ni Mario sa girlfriend nito. Ayaw talagang sagutin ang kanyang mga twitter followers. “Hayaan mo sila, ma. For as long as alam ko naman ang totoo!”

O, ‘di ba, kung sumagot ang potah, parang siya si Erich Gonzales? Hahahaha!

Anyway, dahil magkaibigan kami ni Kakai, eh sinagot naman sa amin ito ni Kakai. Wala itong katotohanan, “At wish ko lang, mama! Hahaha!”

Pero one-night stand with Mario, payag siya?

“Hahahaha! Ano ba ‘yan, Ma? Papayag ba naman si Mario?”

Eh, kung pumayag?

“Why not? Ako pa ba ang choosy?”

O, ‘yun naman pala, eh. At least, pumanatag na dapat ang kalooban ng mga girl faney ni Mario, dahil walang katotohanan at super duper genuine friendship lang talaga ang kakayaning ibigay ng Thai actor sa komedyanang si Kakai.

Dahil kung totoo ‘yon, sasabunutan ko talaga ‘yan sa pubic hair sa sobrang inggit namin!

Hahahaha!

 

NO DOUBT about it! Taon ngayon ni Daniel Padilla. Obvious ba eh, he’s everywhere! Lahat ng mga shows ng ABS-CBN (puwera sa mga teleserye), nandu’n si Daniel. Kung saan-saan nagge-guest para i-promote ang Must Be… Love nila ni Kathryn Bernardo na sa March 13 na showing.

Pero kung matalas ang pakiramdam namin, parang mas sikat ang “Daniel Padilla” kesa sa “KathNiel.” Can you feel that? Ako, ramdam ko, eh. Parang mas sikat ang lalaki, kesa sa ka-loveteam niya. Hindi balanse.

An’lakas naman kasi ng arrive nitong si Daniel. Saka may character ‘yung bata.

Kaya nako, ‘wag sanang mag-iiba ang ihip ng hangin. Sana’y tuluy-tuloy ang pagkagusto at pagkainlab ni Daniel kay Kathryn, dahil (knock on wood) ‘pag nagkaisplitan ang dalawa, maiiwan tiyak si Kathryn.

Ngayon, gustung-gusto pa ng mga tao ang KathNiel, dahil ramdam ng lahat ang kilig sa dalawa. Kaya sana, let’s pray na tuluy-tuloy ‘yan para dire-diretso nang sila ang pinakasikat na loveteam.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING