Kakai Bautista, mataas ang standards sa lalaki

ADVERTISING

Kakai Bautista, mataas ang standards sa lalaki

Kakai Bautista, mataas ang standards sa lalaki
Kakai Bautista

WALA nang plano ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista na bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak.

Ani Kakai,  “Ewan ko ba, hindi ko alam. Sabi ko nga, parang hindi ko na pangarap yung magkaroon ng pamilya. Kung dati kasi, nung late 20s ka, tapos nag-30s ka, gusto mo pa ring tuparin yung pangarap mo na, ‘Uy, bakit siya kinasal?’ Wala na kasi akong ganun ngayon.

“Masaya na ako na masaya yung ibang tao. Ang sarap na gumigising ka araw-araw, tinitingnan mo yung Facebook mo, yung Twitter mo, yung social media account mo at makikita mong may masaya at masaya ka din for them.

“Wala ka na do’n sa bitter stage na, sana ako din, wala na don. Pero yon nga, ang malala, hindi ko na siya pangarap. It’s not even on my list,” kuwento ni Kakai na merong 15th anniversary concert sa Music Museum on April 6 titled Kakai XV.

ADVERTISING

Pero posible pa rin naman daw mag-iba ang isip niya.

“Siguro,  mababago lang yon if there is someone who is really willing to be with me. Pero wala na siya sa wish ko, hindi ko siya priority or whatever,” sey pa niya.

Inamin din ni Kakai na mataas talaga ang standards niya sa lalaki.

“Kung mababa lang talaga yung standards ko at nakukuha ako sa looks at sa yaman, siguro ang dami ko ng naging dyowa. Kailangan ko kasi ano, eh, yung masasabayan ako, yung  maihaharap ko sa ganito, ganyan, yung kayang makipag-usap,” huling paliwanag ni Kakai.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING