KAHIT WALANG MAINE MENDOZA: Alden Richards, tuloy pa rin ang showbiz career!

ADVERTISING

KAHIT WALANG MAINE MENDOZA: Alden Richards, tuloy pa rin ang showbiz career!

KAHIT WALANG MAINE MENDOZA: Alden Richards, tuloy pa rin ang showbiz career!
Alden Richards and Maine Mendoza

TULAD NG NAKAUGALIAN ng noontime show na Eat Bulaga, they go live tuwing January 1.

Nakasanayan na ng mga hosts ng noontime show na  working day para sa kanila ang unang araw ng bagong taon.       

Kaya ang mga AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ay super excited dahil ngayong araw ay magbabalik ang idol nila na si Maine mula sa pagbabakasyon.

Ang taong nga bayan, sisiputin kaya ni Maine ang show na kung sakali ay muling itutuloy nito ang kanyang showbiz career na sabi naman niya ay isa lang aksidente?

ADVERTISING

Sa pagagabalik  ni Maine sa EB, papayag pa rin kaya siya na ituloy ang “loveteam” nila ni Alden gayong siya ang bumasag ng ilusyon ng ALDub fans bago mag-pasko na wala silang dalawa na ang pa-tweetums nila sa telebisyon ay wala at pasakay lang?

Today, malalaman ang katotohanan. Sa pagbabalik ni Maine from her vacay, malalaman ng AlDub nation kung buo pa ang loveteam ng dalawa. Pero kung sakaling wala si Maine mamaya sa EB and if ever magsosolo na si Alden, keri naman na titindig ang binata sa sariling paa at ipapagpatuloy niya ang kanyang showbiz career without Maine Mendoza.          

Ok rin na for a change ay iba naman.For the new year, Maine is a phase. Hindi nakaka-level up si Alden at ang career niya with Maine Mendoza around,” sabi ng isang mataray na entertainment editor sa amin during Alden’s post-Chrismas treat sa entertainment press.

On the side, ngayong 2018 sa kaarawan ng binata (January 26 ang totoong birthday niya) sa January 6 may may paandar ito sa isang theme park sa Sta. Rosa, Laguna para sa kanyang very supportive fans.

KAHIT WALANG MAINE MENDOZA: Alden Richards, tuloy pa rin ang showbiz career!
Alden Richards

Ang birthday wish niya: “Ito ay‘peace, continuous blessings, at stability,” kuwento ng binata sa treat niya sa media bago mag-New Year.

Walang New Year’s resolution si Alden. Ang dahilan niya: “Hindi po ako nagnu-New Year’s resolution, e. Hindi ko ­naman kailangang hintayin ang New Year para magbago. Kung puwede nating baguhin at this moment, baguhin na natin,” paliwanag niya.

Sa darating na January 20, nasa Sydney, Australia siya para sa isang show minus Maine.

For 2018, madaming mangyayari sa showbiz career ng binata lalo na ang mga bagong ganap ng karir niya para sa GMA Kapuso Network.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING