KAHIT WALANG KARANASAN: Ayanna Misola, tinodo ang pagpapainit sa ‘Kinsenas, Katapusan’

KAHIT NA certified NBSB o No Boyfriend Since Birth ang Vivamax sexy actress na si Ayanna Misola, naitawid nito ang mga maiinit na eksena sa ‘Kinsenas, Katapusan’ ng Vivamax. Hindi mo aakalain na wala pang karanasan sa romansahan ang dalaga dahil talagang tinodo nito ang mga love scenes niya, na hindi lang sa kanyang leading man na si Joko Diaz kundi maging sa kapwa newbie na si Angela Morena.

KAHIT WALANG KARANASAN: Ayanna Misola, tinodo ang pagpapainit sa ‘Kinsenas, Katapusan’
Ayanna Misola

Marami ang naalarma sa konsepto ng erotic thriller na ‘Kinsenas, Katapusan’. Kuwento ito ng isang fifteen year old na si Beth na may dark past. Sineduce niya ang karakter ni Joko Diaz, na ama ng kanyang bestfriend sa high school.

Maliban kay Ayanna ay nagpakita din ng katawan ang ex-PBB housemate na si Jamilla Obispo, na mukhang determinadong magtuloy-tuloy ang kanyang pagbabalik-showbiz dahil may mga nakalinya na itong sexy movies sa Vivamax this year. Si Angela Morena naman ay lumabas na rin sa pelikula nina Andrew E.., Dennis Padilla at Janno Gibbs noong Disyembre. Si Janelle Tee naman ang latest beauty queen turned actress na hinubaran ng Vivamax.

Sa totoo lang, tinodo ang mga love scenes sa nasabing pelikula na maselan ang tema. Buti na lang at may parental code na ngayon ang Vivamax kaya most likely ay hindi ito mapapanood ng mga menor de edad – unless magsubscribe sila without the knowledge of their parents.

KAHIT WALANG KARANASAN: Ayanna Misola, tinodo ang pagpapainit sa ‘Kinsenas, Katapusan’
Ayanna Misola

Mukhang hindi pa titigil ang Vivamax sa paglabas ng mga makasalanang pelikula lalo na’t maraming magagandang artista ang willing na magpakita ng katawan at gumawa ng maseselang pelikula. Ang wish lang namin para kay Ayanna ay mabigyan din ito ng movie project kung saan ang kanyang acting capabilities ang ishoshowcase at hindi lang ang kanyang katawan.

‘Yun din ang wish namin para sa iba pang baguhang pumayag na pagpasilip ng kanilang alindog at gumawa ng maseselang eksena na konting kembot na lang ay mukhang AV na.