Kahit tapos na ang soap opera
Richard Gutierrez, tototohanin si Sarah Lahbati?!

ADVERTISING

<b>Kahit tapos na ang soap opera</b><br> Richard Gutierrez, tototohanin si Sarah Lahbati?!

<b>Kahit tapos na ang soap opera</b><br> Richard Gutierrez, tototohanin si Sarah Lahbati?!SA PAGTATAPOS ng primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli ngayong Biyernes, September 7, mukhang magpapatuloy pa rin naman ang nabuong magandang pagtitinginan nina Richard Gutierrez at leading lady na si Sarah Lahbati. Marami ang nakapapansin na sobrang malapit na sila sa isa’t isa na para bang nagkakamabutihan na nga raw.

“Tingnan natin!” reaksiyon ng aktor nang matanong namin. “‘Yon ay malalaman natin sa mga susunod na mga araw.”

Ano na nga ba ang update sa napapabalita ngang lumalalim nilang pagtitinginan?

“We’re fine. Uhm… close kami ni Sarah ngayon. Pero siyempre, medyo umiiwas kami sa mga interviews. Kasi, ayaw naman naming isipin ng mga tao na ginagawa namin ito (ang pagiging malapit sa isa’t isa). Alam mo, ‘yong buong team ng Makapiling Kang Muli, talagang naging very close ako sa kanilang lahat. Marami sa kanila, nakatrabaho ko na before and I’m sure makakatrabaho ko pa rin ulit in the future.

ADVERTISING

“‘Yong samahang nabuo, talagang naging very close ako sa mga artista at sa aming director… kay Carla, kay Sarah, at sa mga staff din. Mami-miss ko sila pagkatapos nito.

“Kasi nga, sa haba ng mga oras. So, siyempre mami-miss ko ‘yong mga eksena. Mami-miss ko ‘yong process ng paggawa ng isang soap opera. Mami-miss ko rin ‘yong downtime na… wala lang. Kuwentuhan lang.

“After ng Makapiling kang Muli, ‘yong Pinoy Adventures, tuluy-tuloy pa rin. At gagawa ako ng pelikula. Pero bago ko simulan ‘yong pelikula ko, magbabakasyon muna ako. Mag-a-abroad ako at magpapahinga nang konti. Para pagbalik ko rito, re-energized ako para sa inyong lahat.

“Hindi pa ako puwedeng magsabi ng details tungkol sa bagong movie na gagawin ko. Pero it’s going to be a very exciting movie. Something na hindi ko pa nagagawa. And… ano siya, comeback movie ng isang legendary director. It’s a lovestory movie. Alam ko na kung sino ang magiging leading lady ko, pero secret pa. Uhm… maraming firsts sa pelikulang ito. Kaya exciting na project talaga.”

Ngayong medyo hindi siya busy sa trabaho, may time ba siyang makipag-date?

“Siyempre!” nangiti ulit si Richard. “Ngayong natapos na ang taping ng Makapiling Kang Muli, mas marami na akong oras to relax and to unwind. And to spend time with my family and friends. So, ngayon pa lang ako nagkakaroon ng time actually. Kasi no’ng nagti-taping ako ng Makapiling Kang Muli, talagang wala akong oras.”

Makalalabas na naman siya to date girls?

“Hindi. Wala.  Focus muna ako sa work,” nangiting sabi pa ni Richard.

 

BILANG BAGONG leading man na igu-groom sa remake ng Sana’y Ikaw Na Nga opposite Andrea Torres, ano ang mga puwedeng asahan ng viewers kay Mikael Daez?

“Well, this is a traditional Filipino telenovela. So, lahat ng elementong makikita n’yo… ‘yong break-up, lovescenes, away, sampalan, marriages, broken marriages, lahat makikita n’yo.

“Sa tingin ko, mai-expose ‘yong character ko sa maraming emosyon. Halos lahat ng emosyon na puwede mong isipin. So I need to be prepared for anything. Talagang mai-stretch ‘yong acting capacity namin ni Andrea. Pero, nandito kami para sa challenge. We’re ready for it.”

Feeling ba niya, dahil siya ang nabigyan ng malaking break na magbida opposite Andrea sa Sana Ay Ikaw Na Nga, na-upgrade na ang pagiging Kapuso actor niya?

“Hindi ko iniisip na gano’n. Ang nasa isip ko, ibinigay sa akin ang project na ito, kasi ibig sabihin no’n may tiwala ang GMA sa akin. So, kailangan ko ring ipakita sa kanilang tama ‘yong naging desisyon nila.”

‘Yun na!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING