KAHIT SINTUNADO ANG BOSES: Anne Curtis, yayanigin ang Araneta ngayong Sabado!

ADVERTISING

KAHIT SINTUNADO ANG BOSES: Anne Curtis, yayanigin ang Araneta ngayong Sabado!

KAHIT SINTUNADO ANG BOSES: Anne Curtis, yayanigin ang Araneta ngayong Sabado!
Anne Curtis

IBA ang hatak niya sa publiko.

Would you believe na sa isang non-singer na tulad niya ay makaka-tatlong concert na pala sa The Big Dome?

In January 2011, she had her first super hit concert sa Araneta Coliseum na sinuportahan ng publiko kahit hindi siya isang singer na ubod ng sintunando na matatawa ka kay Anne.

2nd concert naman niya noong May 2014 ay more daring for her as a singer, dancer and a performer na kesehodang sumasablay siya sa nota (na aminado naman siya), ang concert goers ay nagbabayad just to watch her perform, specially kumanta na lakasan lang ng loob niya at ginawa to entertain her fans.

ADVERTISING

Sa darating na Saturday, August 18, Anne will perform again for the 3rd time at the Big Dome in ANNEkulit: Promise, Last Na ‘To na pangako niya na mas mage-enjoy ang manonood. Ito na daw ang huli. Last na last na kaya pagbigyan na siya sa hiling niya.

Sa Saturday concert, Anne will have Sarah Geronimo, James Reid, Ex Battalion, Aegis and Regine Velasquez as guests sa kanyang paandar.

Bongga si Anne. Malamang makikipagtagisan siya sa galing with the Birit Queens like Sarah, the Aegis and Regine. Aliw ito sigurado.

Ang concert bale ang huling major ganap para sa kanya bago ang grand honeymoon nila ng mister na si Erwan Heusaff na gagawin nila sa South Africa in November bago naman mag-concentrate si Anne sa promo ng MMFF 2018 entry niya na Aurora na isang horror-mystery movie.

Sa grand honeymoon nila ng mister, ang balita, ready na siya humarap sa bagong yugto ng buhay niya na balita namin, with her long-delayed honeymoon ay gagawa na sila ng baby ng mister niya.

 Kung susumahin, almost 21 years na rin pala si Anne sa showbiz na isa sa mga artista na minahal ng industiya.

This year sa selebrasyon ng kanyang annibersaryo  bilang artista, isang pasasalamat na rin ang concert niya sa mga magagandang kaganap with her career with the success of her film with Dingdong Dantes na Sid and Aya at ang paglulunsd sa kanya as an action star via the box-office hit film Buy Bust directed by Erik  Matti.

Her concert at the Big Dome is produced by Viva Live and will benefit the special project of Dream Machine.

Tickets are available at the Ticketnet, 911-5555 and Viva Live T 687-7236.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING