Kahit sa iba ginawa ang kasalan: Robin Padilla, mananatili pa ring Muslim

ADVERTISING

Kahit sa iba ginawa ang kasalan: Robin Padilla, mananatili pa ring Muslim Kahit sa iba ginawa ang kasalan: Robin Padilla, mananatili pa ring MuslimNA-OFFEND DAW ANG mga Muslim sa pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez nu’ng nakaraang linggo.

Ang ikinaloka nila, hindi Muslim rites ang kasal kundi sa Baptist at sa Ibaloi dahil ang sabi ni Robin, puwede naman daw ‘yun gawa nang may dugong Ibaloi ang ina niyang si Mommy Eva.

ADVERTISING

Nagbigay ito ng statement sa Startalk noong Sabado at maayos naman niya itong naipaliwanag sa mga kapatid na Muslim. Mananatiling Muslim pa rin daw siya.

Medyo naguluhan din ako, pero siguro alam naman ni Robin ang ginagawa niya at maiintindihan naman siguro ng mga kapatid niyang Muslim na ginawa ito ng aktor dahil sa matindi niyang pagmamahal kay Mariel.

Ang pagkakaalam ko, bago iyang kasalang iyan sa Baguio, nagpakasal na sila sa India nu’ng pumunta sila roon.

ADVERTISING

Kaya nga “wife” na ang pakilala ni Robin sa TV host/actress.

Ang sabi naman ng dating asawa ni Robin na si Leizel Sicangco, kaya gusto na nitong magpakasal dahil nagsasama na sila ni Mariel.

Sa Islam daw kasi, hindi puwede ‘yung nagsasama na kayo sa iisang bubong na hindi pa kasal.

Nakarating na nga kay Leizel ang balitang ‘yun kaya binabati niya ang bagong kasal na tumataginting ng “Congratulations!”

Naikuwento rin ni Leizel sa Startalk na feeling daw nito, si Robin ang nagti-text sa kanya na dapat kausapin nito si Mariel. Itinext pa raw ang cellphone number ni Mariel.

Sey naman ni Leizel, bakit naman daw niya tatawagan si Mariel wala naman daw siyang sasabihin dito. Kung gusto raw siyang kausapin ni Mariel, puwede naman daw siyang tawagan anytime.

Bukas ay ibabalik na ang bunsong anak nilang si Allih sa Australia at excited si Leizel dahil ‘yun lang naman daw ang gusto niyang mangyari sa ngayon.

Ang wish nga nito sa dalawa, sana magkaroon na raw ng baby si Mariel para sa kanya na raw talaga si Allih.

Kasabay ng pag-uwi ni Allih pa-Australia, kasama nito ang abugado nina Robin para ayusin ang divorce papers nila. Nagkaproblema kasi ito noon kaya hindi raw makakuha ng citizenship si Leizel sa Australia. ‘Yun lang naman daw ang gusto niyang mangyari dahil pagdating sa financial support ni Robin sa mga bata, wala naman daw siyang maireklamo.

NAG-TEXT SI DINGDONG Dantes sa Startalk na magaling na magaling na ito at nilinaw niyang hindi siya nagka-Dengue.

Ang sabi ng manager niyang si Perry Lansigan, Systemic Viral Infection daw ‘yun na parang Dengue rin ang symptoms.

Nakalabas na ito ng hospital nu’ng nakaraang Huwebes, pero hindi pa muna ito puwedeng bumalik sa taping dahil kailangan pa nitong magpahinga.

Siyempre, nandiyan si Marian Rivera na nag-aalaga sa kanya kaya nagpapasalamat naman ang aktor dahil marami ang nag-aalala sa kanya at kasama nito ang inspirasyon niya sa buhay.

Nakakaloka nga itong si Dingdong dahil sa gitna ng pagkakasakit niya, talagang nagti-text pa ito sa mga kaibigan niyang reporters ng statement niya tungkol sa isyu nina Marian at Bela Padilla.

Nagpasalamat na rin itong naayos na at tinuldukan na ang gulong ‘yun, pero tingin ko naman naging okay ang dalawa. Pero okay na ‘yun dahil hindi naman mapipilit ng GMA-7 kung ayaw na talaga nila magkabati. Basta ang mahalaga, ituloy nila ang trabaho nila sa Endless Love na malapit nang magtapos.

Ang pagkakaalam ko, ngayong linggo ay puwede nang bumalik sa taping si Dingdong, dahil nakapagpahinga na ito nang mabuti.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING