KAHIT PINAGBAWALAN NG DOKTOR: Kris Aquino, nag-relief giving sa mga nasalanta sa Marikina

ADVERTISING

KAHIT PINAGBAWALAN NG DOKTOR: Kris Aquino, nag-relief giving sa mga nasalanta sa Marikina

KAHIT PINAGBAWALAN NG DOKTOR: Kris Aquino, nag-relief giving sa mga nasalanta sa Marikina
Kris Aquino

BRAT si Kris Aquino. May katigasan pala ng ulo ng Queen of All Media na kahit sabihin ng kanyang doktor na mag-total rest pero no way at pasaway ang Kris na lumarga pa rin yesterday para mamahagi ng kanyang personal na tulong sa mga nasalanta ng habagat at bagyo.

ADVERTISING

Sa kabila ng mga advise ng doctor niya at mga kaibigan na hintayin muna na mag-stable ang kanyang blood pressure, sa kagustuhan makatulong, rumampa si Krissy sa mga disaster area.    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala stable ang BP ni Kris reason kung bakit mababa ang BP niya yesterday na umabot lang ng 80/50 na super delikado.     

From her Instagram account, ibinalita niya ang kaganapan yesterday: “I am from the 3rd district of QC. Nagtanong po ako sa mayor (Herbert Bautista) namin kung meron pang matutulungan- no need na daw.

ADVERTISING

“Called my friend, Cong. Bolet Banal- he said: “Kris, si Cong Miro ng Marikina ang nagulpi ang area- kapitbahay natin.” We communicated, inubos ni Alvin & Bincai ang Ariel, Pantene, Safeguard, Cheez Whiz, and Lucky Me from both Pure Gold & SM Hypermart.

“Sinabi kong try namin magdala ng mainit na hapunan- malayo ang branches ko ng Chowking so dun sa malapit na branch ako nakapag bulk order. May ready stock kami sa house na Unipak & Healthy Family. Sinabihan akong pahatid na lang kasi di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort. Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila- hindi kailangang naka posisyon para magbigay ng tulong at maki-simpatya sa mga kapwa Pilipino. It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts)- itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin ni kuya josh & bimb. God bless you all. #lovelovelove ?? .

            Bilib na ako sa ‘yo Kris. Iba ka.!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING