Kahit patapos na ang serye
Coco Martin, wala pa ring panahon para magbakasyon

ADVERTISING

<i>Kahit patapos na ang serye </i><br>Coco Martin, wala pa ring panahon para magbakasyon

<i>Kahit patapos na ang serye </i><br>Coco Martin, wala pa ring panahon para magbakasyonJAMPACKED AT punung-puno ang buong Smart Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Linggo para sa Walang Hanggang Pasasalamat. Patunay lamang ito kung bakit namamayagpag sa ratings ang nasabing show, kung saan ‘di magkamayaw ang palakpakan at sigawan sa tuwing lalabas sa stage ang mga karakter na minahal at sinubaybayan natin.

Sa nasabing farewell party, nakausap namin si Coco Martin na hindi maipaliwanag ang kaligayahan ng gabing iyon dahil sa nakita niyang pagmamahal at suporta ng publiko sa serye nilang Walang Hanggan.

Ayon sa aktor, malaki ang naitulong sa kanya ng pinagbidahang soap dahil dito mas nahulma ang talento niya sa pag-arte at ang kanyang pakikipagkapwa-tao.

‘Di itinago ni Coco na mami-miss niya nang husto ang mga kasama sa Walang Hanggan, kung saan ang kuwento ng aktor ay para na silang isang pamilya rito.

ADVERTISING

Kinumpirma rin na gagawa sila ng pelikula ni Julia Montes, kung saan mainit na tinanggap ng tao ang tambalan nila sa Walang Hanggan. Pinag-usapan na nila kung ano pa ba ang ‘di pa nila naipapakita sa Walang Hanggan.

Siniguro din ni Coco na dahil magde-debut na si Julia sa susunod na taon, mas matured na ang tatakbuhin ng istorya, napakarami pa nilang puwedeng ibigay ngayong wala na itong gaanong limitasyon. Ilan din sa  proyektong nakalinyang gawin ni Coco ay ang mga pelikula na makakatambal niya sina Marian Rivera at Judy Ann Santos.

Pagkatapos ng Walang Hanggan, wala ring panahong magbakasyon si Coco dahil sa dami ng commitments na dapat niyang gawin at tuparin.

 

 BLIND ITEM: Usap-usapan ang sobrang closeness at sweetness na nakikita ngayon sa dating aktor at aktres na nagkatambal uli kamakailan. Kapansin-pansin kasi na lagi raw magkadikit at ‘di iilang beses daw na nakita silang magkaholding hands kahit na offcam.

Ang pinag-aalala ng iba, alam ng lahat na parehong may-asawa na ang dalawa at masaya sa kani-kaniyang buhay may-pamilya. Mukha raw nananariwa ang nakaraan kung saan alam naman ng lahat kung gaano nila minahal ang isa’t isa nu’ng naging sila dati.

Kung ano ang kapupuntahan ng lahat, lalabas naman ang totoo. Lalo’t alam ng lahat kung gaano kahalaga para sa mag-ex ang kani-kaniyang asawa at pamilya.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING