KAHIT PANALO ANG RATINGS: First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, magtatapos na (may book 2?)

CERTIFIED toprater ang primetime kiligserye ng Kapuso Network na ‘First Yaya’. Ito ay pinagbibidahan ng Kapuso Breakthrough Actress na si Sanya Lopez with the veteran leading man Gabby Concepcion. Despite the age gap and the freshness of the partnership, kinagat ito ng masa at inabangan gabi-gabi. Marami kasi ang naka-relate sa mga pinagdaanan ni Yaya Melody (Sanya Lopez) na naging nobyo ang ideal guy niya na nagkataong Presidente rin ng bansa (Gabby Concepcion).

KAHIT PANALO ANG RATINGS: First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, magtatapos na (may book 2?)
Gabby Concepcion and Sanya Lopez

Hindi lihim sa nakararami na hindi si Sanya Lopez ang first choice para sa proyekto. Ito dapat ang comeback project ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Marami nga ang nakaabang sa pagtatambal nila dapat ni Gabby Concepcion, na iniisa-isa ang mga prime leading ladies ng GMA (Carla Abellana to Sunshine Dizon to Jennylyn Mercado). Understandable naman ang pag-atras ni Marian Rivera dahil sa pandemya. S’yempre, mas uunahin nito ang kanyang main role bilang isang ina. First, Nanay muna!

Kay Sanya Lopez ipinagkatiwala ang papel na Yaya Melody, na kahit na 32 years ang age gap nila ni Gabby Concepcion ay nagawan nila ng paraan na magwork ang kanilang chemistry. ‘Yun ang gusto namin kay Sanya – bagay siya kahit sa mga more matured leading men. Kaya niya makipagsabayan at dahil sa programa ay mas lalong dumami ang fans niya.

Kahit na may demand for extension ang First Yaya ay nagapdesisyunan ng Kapuso Network na tapusin na ito without sacrificing the storyline. Mahirap din i-extend ang mga kuwento sa ilalim ng quarantine. Naka-ilang lock-in taping cycles na rin ang cast, staff and crew ng programa at nakabuo rin sila ng pagkakaibigan behind the scenes as seen on their Instagram updates.

 

Totoo kaya na tulad ng Primadonnas ay magkakaroon din ng Book 2 ang First Yaya? Ano kaya ang magiging next move ng GMA para kay Sanya Lopez? Siguro ay magandang bigyan na nila ito ng launching film para magtuloy-tuloy ang pagningning ng kanyang bituin.

Abangan ang finale ng First Yaya bukas, July 2 sa GMA!

Previous articleVLOG WATCH: Judy Ann Santos cooks Japchae!
Next articleLIFE GOES ON: Bea Alonzo, certified Kapuso na!