KAHIT NALILINYA SA MISTRESS ROLES: Erich Gonzales, never magiging “kabit”!

ADVERTISING

KAHIT NALILINYA SA MISTRESS ROLES: Erich Gonzales, never magiging "kabit"!

KAHIT NALILINYA SA MISTRESS ROLES: Erich Gonzales, never magiging "kabit"!
Erich Gonzales

NGAYON na uso ang mga pelikulang tumatalakay tungkol sa mga “kabit” or other woman tulad ng Sin Island nina Coleen Garcia, Xian Lim at Nathalie Hart, tila magiging trending muli ang mga mistress-themed movies na noon ay inumpisahan ng “No Other Woman” nina Anne Curtis at Cristine Reyes. Ang bagong obra ni Direk Joel Lamangan na “The Signigficant Other” ay mapapanood na sa darating na Wednesday,February 21.

Sa bagong obra ni Direk Joel, mga bida sina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Erich Gonzales, who is playing the role as “The Other Woman” sa pelikula.

Kakaiba ang pagiging “kabit” ni Erich sa pelikula na third party kina Tom at Lovi.

Sosyaling kabit siya. Expensive kabit na hindi nanunugod or nakikipagaway sa original wife.

ADVERTISING

Pero sa totoong buhay, hindi raw mangyayari ‘yun para sa aktres na maging pangalawa lang siya. “I always want to be the number 1,” sabi niya.

Ang paniwala at rule ni Erich sa buhay ay dapat siya ang original ika nga.

Kung tatanungin si si Erich, hindi raw mangyayari yun kasi ang rule niya sa buhay ay never to be the the other woman kahit sa kartada at kaseksihan ng aktres ay pwede niya pasukin on the side ang pagiging kabit para maging ng sino man super rich na lalaki.

KAHIT NALILINYA SA MISTRESS ROLES: Erich Gonzales, never magiging "kabit"!
Lovi Poe, Tom Rodriiguez and Erich Gonzales

“Ayaw ko. Never in my wildest dreams para maging kabit,” natatawang kuwento niya.

As kabit in The Significant Other, bongga ang love scenes nila ni Tom na siya din mismo ay nagulat sa ipinagawa ni Direk Joel sa kanila ng aktor.

“I think it was the scariest. Hindi ko po nagawa pa yun in any of my films or shows. Pero na- execute naman po ng maganda,” kuwento ni Erich.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING