Sipat-eklat: Kahit may dyowa na, Toni Gonzaga gusto pa ring magpaligaw kay Luis Manzano?!

Sipat-eklat: Kahit may dyowa na, Toni Gonzaga gusto pa ring magpaligaw kay Luis Manzano?!SIPAT: GUSTO raw LIGAWAN ni EFREN PEÑAFLORIDA si ANGEL LOCSIN. Mismong ang AKTRES ang NAGBUKING nito.
EKLAT: SHOWBIZ na rin ang CNN HERO of the YEAR!

SIPAT: Pero hanggang FRIENDSHIP lang daw ang PUWEDENG IBIGAY ni ANGEL kay EFREN.
EKLAT: Ibig sabihin… BASTED na agad ang BAYANI ng CNN!

SIPAT: NAPANSIN n’yo ba na ang mga PELIKULANG TUMABO sa FILMFEST, ang mga BIDA ay mga KAPUSO? KINABOG ang mga KAPAMILYA!
EKLAT: Sana ARAW-ARAW, e, PASKO, ‘no?

SIPAT: Ang TOP 3 MOVIES na KUMITA nang HUSTO nu’ng 2009 ay PRODUCED naman ng STAR CINEMA: 1) You Changed My Life – P230.44M; 2) In My Life – P135.70M; 3) BFF: Best Friends Forever – P107.69M.
EKLAT: WALA raw PADDING ‘yan, huh!

SIPAT: BUNTIS daw si ROSANNA ROCES?!
EKLAT: HIMALA o MILAGRO?

SIPAT: Teka, ANO ba ang IPINAGKAIBA ng DALAWA?
EKLAT: Ang HIMALA, e, ‘yung NABUNTIS na HINDI na PUWEDENG MAGBUNTIS. Ang MILAGRO, e ‘yung NAGBUNTIS na HINDI ALAM kung SINONG NAKABUNTIS!

SIPAT: So, SAAN sa DALAWA si OSANG?
EKLAT: E, di sa… GIMMICK na naman ‘yan!

SIPAT: Sey ni JAKE CUENCA, mag-BESTFRIEND daw sila ni MELISSA RICKS.
EKLAT: LALO tuloy KINABAHAN ang PARENTS ng YOUNG ACTRESS.

SIPAT: Si SUNSHINE DIZON daw ang naging TULAY ni KATRINA HALILI para MAKABALIK kay DR. CALAYAN.
EKLAT: Sey raw ni DR. VICKI BELO, ‘GOOD LUCK… at INGAT!’

SIPAT: HAHARAP naman daw sa MEDIA si KRISTA RANILLO sa TAMANG PANAHON, sey ng MANAGER nito na si ARNOLD VEGAFRIA.
EKLAT: TAPUSIN lang muna ‘yung SUSUNOD na LABAN ni MANNY PACQUIAO?

SIPAT: OKEY lang daw kay TONI GONZAGA kung LIGAWAN siya uli ni LUIS MANZANO.
EKLAT: Siyempre naman! Pang-PROMO din ‘yan ng BAGO nilang PAGSASAMAHANG TV SHOW!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service